Chapter 26

4.2K 147 20
                                    


HINAYAAN ko lang na tumunog nang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng aking lamesa. Si Bryle na naman ang tumatawag. Tanghali na at kagabi pa siya tumatawag pero hindi ko sinasagot. Kahapon, nang umalis siya sa condo ko pagkatapos naming mag-almusal, umiyak ako nang umiyak.

I could still hear the voice of that woman in my head. I could still remember how she told me that she's Bryle's girlfriend!

Bakit ang sabi sa 'kin ni Bryle, wala siyang girlfriend? Kung wala, ano 'yong sinasabi ng babaeng tumawag? Kung totoong girlfriend 'yon ni Bryle, then bullshit! I just had sex with Bryle then the next day I would find out that he's committed with someone already!

Ginawa niya 'kong kabit! Ginawa niya akong manloloko! At hindi lang iyong girlfriend niya ang niloko niya, kundi pati ako!

Hindi ko alam kung bakit ang dali-dali niya akong naloko. Paniwalang-paniwala ako noong sabihin niyang wala siyang girlfriend. I thought he was telling the truth. I thought that I was still the one, but it turned out that I was just the only one that couldn't let go of us.

Well, bakit pa ba ako sobrang nagtataka at nagugulat? Hindi ba nga't playboy naman talaga siya? Bago pa maging kami noon ay ganoon na siya at mukhang bumalik siya sa pagiging playboy noong magkahiwalay kami. Hindi ko na dapat pinagtatakhan pa iyon.

Hindi ko binanggit sa kaniya kahapon na tumawag ang girlfriend niya. Hindi ko siya kinompronta dahil alam kong mas masasaktan lang ako. Sapat nang narinig ko sa babaeng 'yon na girlfriend daw siya. Kaya ngayon, bahala siyang tumawag nang tumawag diyan. Wala akong pakialam.

I had nothing to do with him anymore. I didn't want to become a mistress. No matter how much I love him, I still know my worth. I would never settle being just a number two.

Natigil ang pagtitipa ko sa aking laptop nang may kumatok.

"Come in."

Bumukas ang pinto at sumilip si Cristy. Nagtaas ako ng kilay bilang pagtatanong.

"Hindi ka po ba magla-lunch, Architect?"

"Oh."

Napatingin ako sa aking relo at nakitang mag-a-ala una na pala ng hapon. Bumuntong hininga ako at ngumiti sa aking sekretarya.

"I will. Thanks for reminding," pagpapasalamat ko.

"Welcome po."

Nang maisara niyang muli ang pinto ay isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ng swivel chair. Mariin akong pumikit at napahilot sa aking noo. Sa kagustuhan kong hindi na maisip pa si Bryle ay nilunod ko ang sarili ko sa trabaho at nakaligtaan ko nang mag-lunch.

Ilang sandali pa akong nanatili sa aking upuan bago nagpasyang tumayo na at iwan ang opisina upang kumain.

*****

Nang bumalik ako sa opisina ko pagkatapos kong mag-lunch ay dali-dali ko muling binuksan ang laptop ko. This time, hindi para sa trabaho kundi para mang-stalk at mag-imbestiga na rin.

I had no Facebook account anymore. I deleted it as I entered college because I didn't want any distractions. I only wanted to focus on my studies. Ngayon, gagawa ako. Titingnan ko lang naman ang account ni Bryle. Bakit ba ngayon ko lamang ito naisip? Dapat noong unang beses ko pa lang siyang makita ulit ay nag-imbestiga na ako agad.

I trusted too much. I thought that he was still really into me.

When I successfully made an account, I immediately searched for Bryle. His Facebook name was Brylan Velleres. I scrolled down to see his posts, but he seemed a bit private. Ang mga nakikita ko lang doon ay mga public tag posts sa kaniya ng mga kakilala niya.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now