Chapter 11

3.7K 114 18
                                    

NAG-AALMUSAL kami sa hapagkainan nang marinig ko ang pag-beep ng cellphone ko. Napansin ko ang pag-angat ng tingin sa akin ni Mommy. Si Daddy naman ay hindi iyon pinansin. I took a spoonful of rice in my mouth before I fished my phone from my pocket.

Pumaskil agad ang ngiti sa mukha ko nang makita ko ang text ni Bryle.

Bryle:

Good morning, boo! Ano breakfast mo?

Nakangiti ako habang nagtitipa ng reply. Mabilis ang pagpipindot sa aking cellphone. The giddiness I felt was just so overwhelming that I didn't care anymore if my whole family was around.

Ako:

Good morning! Bacon, egg, and fried rice are my breakfast. Hbu?

"Cydney!"

Agad akong napaangat ng tingin nang marinig ko ang medyo malakas na pagtawag ni Daddy sa akin. Nang tingnan ko siya'y dikit na dikit ang mga kilay niya at mariin ang tingin sa akin.

"Ano ka ba? Kanina ka pa tinatawag ng mommy mo pero para kang walang naririnig!" singhal niya pa sa akin.

Napalunok ako at bahagyang nanginig ang mga kamay dahil sa naramdamang takot. Naibaba ko ang cellphone ko sa ilalim ng lamesa.

"S-Sorry, Dad..." humingi muna ako ng paumanhin kay Daddy bago ko tiningnan si Mommy. "Sorry, Mom."

Ilang segundo pa siyang nakatitig sa akin — diretsong-diretso at tila ba tumatagos. It was like she was trying to swim in the deepest of my thoughts.

"Stop using your phone, please. We're eating," aniya sa isang marahang tono ngunit ramdam ko ang diin.

Tumango ako at agad nang itinago ang cellphone sa bulsa ng palda ko. Kunot noo pa ring nakatingin sa akin si Daddy habang si Mommy ay medyo malamig ang pagtitig.

"Kailan ka pa natutong gumamit ng cellphone sa hapagkainan?" sambit pa ni Daddy, hindi pa rin ako tinitigilan. "Dati naman ay hindi ka ganiyan, ah?"

Napayuko ako kasabay ng pagdiin ng hawak ko sa mga kubyertos. Irritation escalated in my chest so quickly. It was like a poison spreading all over my system, but I still decided to remain calm.

"That won't happen again. I'm sorry," labas sa ilong kong sagot bago muling nagpatuloy sa pagkain.

Hindi pa rin naaalis ang mapanuri nilang tingin sa akin ngunit minabuti kong hindi na lamang sila pansinin. Ayokong masira ang umaga ko.

Saka parang iyon lang, galit na sila? Para talagang hindi ka puwedeng magkamali sa bahay na 'to, e. Kailan perfect palagi.

Buti na lang ay makikita ko naman si Bryle sa araw na ito kaya kahit inis ako ngayon ay paniguradong mapapawi iyon mamaya.

*****

Ang bilis ng panahon. Isang grading period na naman ang lumipas at ngayon nga ay inaanunsyo na ng adviser namin ang mga nag-top sa nagdaang 2nd grading period. Pumapalakpak kaming lahat sa bawat pangalang natatawag.

"For sure, Cyd, ikaw na naman ang top one natin," ani Bryle sa tabi ko habang marahang pinaglalaruan ang aking kamay.

Ngumiti ako sa kaniya at tinitigan siya nang mabuti. Hay. What the hell did I do in my past life to deserve a guy like him? Mabait, nakakatawa, maalalahanin, at palaging ipinaparamdam sa akin na the best ako.

Kahit na minsan... nagseselos siya sa mga schoolmate naming lalaki na kinkausap lang naman ako saglit. Kahit na minsan ay matagal siyang mag-reply sa texts at chats ko sa kaniya. Kahit na minsan ay ayaw niyang ipahawak sa akin ang cellphone niya. Kahit na minsan ay halos siya na ang namimili ng kung anong dapat kong suotin sa tuwing magde-date kami.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now