Chapter 9

3.7K 148 31
                                    


NAGPALAKPAKAN ang mga kaklase ko matapos ianunsyo ng aming adviser ang Top 10 para sa 1st grading period. Bryle immediately congratulated me when I made it to the very top.

"Congrats, Cyd! Pakshet, nakaka-proud ka naman."

Natawa ako sa sinabi niya. "Congrats din sa 'yo! Top three ka!"

Ngumiti siya at tinitigan ako nang mataman.

"Proud ka rin ba sa 'kin?" tanong niya.

"Of course! You deserve it. I'm sure proud din sa 'yo ang parents mo."

Lumaki ang ngiti niya at bigla na lang kinurot ang magkabilang pisngi ko. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko habang siya ay natawa.

"Ang ganda-ganda mo na nga, ang talino pa," he said. "Kaya gustong-gusto kita, e."

Napahinga ako nang malalim upang kalmahin ang nagwawalang sistema. Ang mga kulisap sa tiyan ko ay masayang-masaya na namang nagsasayawan.

Siya rin naman. Ang guwapo na nga, matalino pa.

"Hoy, Bryle, manlibre ka naman! Celebrate natin pagiging top three mo!" ani Clarence nang papunta kaming lahat sa cafeteria.

"'La? Ulul ka, bale sana kung birthday ko," sagot ni Bryle.

Bahagya akong natawa. Si Gabby ay naka-angkla ang braso sa akin habang sabay kaming naglalakad. Tawa siya nang tawa sa mga kalokohan ng magkakaibigan.

"Dapat si Cyd din manlibre! Top one 'to!" saad niya.

Mahina ko siyang kinurot sa braso. Tumawa lamang siya. Ayos lang naman sa akin ang manlibre kung gusto nila. Minsan lang naman, e.

Ngunit bago pa nila ako matukso tungkol doon ay nagsalita na si Bryle.

"Kakapal naman ng mga mukha n'yong tukmol kayo!" sabi niya sa mga kaibigan niya. "Oo na, sige na, ako na manlilibre!"

Naghiyawan ang tatlo niyang kaibigan at halos magtatalon pa. Natatawa akong napailing-iling. Nang makarating kami sa cafeteria ay nag-offer ako kay Bryle na malilibre rin ako. Ayaw niya pa noong una ngunit mapilit ako. Sumuko rin siya kalaunan kaya naghati kami sa panlilibre.

*****

Sa mga sumunod na araw, marami na agad ipinapagawa ang mga teachers kahit kasisimula pa lamang ng 2nd grading period. Sometimes, Bryle and I were helping each other especially if we find a topic so difficult. He was always so willing to study with me.

Madalas kaming magpunta sa library upang doon mag-review ng mga notes. Kapag may itinatanong siyang topic na hindi niya maintindihan, ginagawa ko ang aking makakaya para ipaliwanag sa kaniya. Ganoon din siya sa akin.

"You're overwhelming me, you know that?" I suddenly said after he explained a difficult topic to me.

Kasalukuyan kaming nasa library. Absent ulit iyong teacher naming si Ma'am Garcia kaya may bakante kaming oras. Ang ibang mga kaklase ko ay malamang, nagdadaldalan lang sa room at ang iba naman ay palabas-labas siguro.

Tumaas ang kilay sa akin ni Bryle nang magbaling siya ng tingin sa akin. Medyo malapit na naman ang mga mukha namin sa isa't isa dahil magkatabi kami. Kung noon ay nakakaramdam ako ng sobrang pagkailang, ngayon ay hindi na masyado.

Sa bawat araw na lumilipas kasi ay nasasanay na ako sa kaniyang presensya. Unti-unti akong napalapit sa kaniya at naging komportable na. Sa tuwing papasok ako sa school, palagi akong nakakaramdam ng excitement kasi makikita ko na naman ulit siya.

Inaamin kong noong una, hindi ko naman talaga siya gusto. Pero sa bawat araw na nagdadaan, para siyang isang bulaklak na unti-unting namumukadkad. Nakita ko na higit pa siya roon sa Bryle na walang ibang ginawa kundi magmura at makipagbarkada. Higit pa siya ro'n.

Kaya pigilan ko man o hindi, hindi ko maitatanggi na unti-unti na akong nahuhulog. Nawawalan na ako ng dahilan para umahon. Gugustuhin ko na mas mahulog pa kung sa kaniya naman ako babagsak.

Araw-araw ko siyang hinahanap. Oras-oras ko siyang gustong kasama.

Gaya nga ng naisip ko noon, hindi nga siya mahirap gustuhin.

"Bakit naman?" tanong niya sa sinabi ko.

Pumorma ang isang ngiti sa aking mga labi at diretso siyang tinitigan sa mga mata.

"Ang guwapo mo na nga, ang tali-talino pa," panggagaya ko sa sinabi niya noon. "Ang suwerte ko namang girlfriend."

Nasaksihan ko kung paano unti-unting nalaglag ang kaniyang panga dahil sa huling sinabi ko. Tila siya nahipnotismo dahil nakatulala na lamang siya sa akin. I chuckled and caress his chin for a second. I brought my gaze back again to my notebook.

"H-Huh?" ngayon lang siya nakatugon.

Nakangiti akong napabuntong hininga bago siya muling tiningnan.

"Ang sabi ko... ang suwerte mo naman bilang boyfriend ko kasi maganda at matalino ako. 'Di ba?" I smiled playfully.

Napakurap-kurap siya at nanlaki ang mga mata. Halos matawa ako nang malakas dahil mukha talaga siyang hindi makapaniwala.

"Fuck, tangina?" naiusal niya.

"Language," saway ko ngunit hindi siya nakinig.

"Putsa, sinasagot mo na 'ko?!" gulat niyang tanong sa malakas na boses. 

Nanlaki ang mga mata ko ngunit kumakawala pa rin ang tawa ko.

"Sshhh! Huwag kang maingay! We're in a library, remember?" mahina kong saway pero mukhang wala na siyang naririnig.

"Shit! Sinagot na 'ko ni Cydney! Putangina, yes!" tuwang-tuwa niyang sigaw.

Naglingunan na sa banda namin ang mga estudyante sa library. Nagsimula na naman sila sa kanilang mga panunukso kaya nagmistulang palengke ang tahimik na lugar. Ako naman ay hindi malaman kung paano pakakalmahin si Bryle.

"Bryle, don't shout! Mapapagalitan tayo! Nagmumura ka pa."

Imbes na pagtuunan ng pansin ang sinabi ko ay nagulat ako nang hilahin niya ako para sa isang yakap. Halos mapiga ako dahil sa higpit ng pagkakayapos niya.

"Fuck, Cyd, I'm so happy," he uttered. "Thank you."

Napangiti ako at tumugon din sa kaniyang yakap. I'm happy, as well. And I should also thank him because he somehow lighten up my world when he came.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Itong mga PBB teens na 'to, kehaharot!

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon