Chapter 20

4.7K 151 40
                                    

Happy New Year! ❤️

PUMALAKPAK ako nang matapos ang pagkanta ni Bryle sa stage. Nagpasalamat siya sa mga tao na todo palakpak at cheer sa kaniya. Ang daming mga babaeng kinikilig na kulang na lamang ay lapitan siya roon sa stage.

"Thank you! Wala naman talaga akong balak na kumanta ngayon dito," sabi pa niya sa gitna ng palakpakan at hiyawan. "Kaso nandito 'yong crush ko, e. 'Lam n'yo na... pa-impress ako."

I chuckled together with the laughing audience. Bryle glanced at me with a sweet smile on his face. Muli siyang nagpasalamat sa mga tao bago bumaba ng stage. Naglakad siya papalapit yata sa direksyon ko. Tumikhim ako at dahan-dahan nang umikot paharap muli sa bar counter.

Nakatingin ako sa laman ng baso ko nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtabi niya sa akin. Nasulyapan ko ang pagpatong ng kanang kamay niya sa counter top kaya nakita ko rin ang tattoo sa kamay niya. Nakalagay iyon sa may buto sa baba ng hinlalaki niya.

3-25-4 was written there.

"Isang Rum," he said to the bartender.

I took in a deep breath as I heard his baritone voice. Kanina kasi ay naka-mic siya pero ngayong narinig ko ang boses niya sa likod ng mikropono ay mas malalim pala iyon. Hindi na rin iyon katulad dati dahil mature na itong pakinggan ngayon.

"Musta?"

Napalingon ako sa kaniya nang magsalita siya. Naabutan ko siyang nakatitig na sa akin gamit ang tila namamanghang mga mata na isa sa mga gustong-gusto ko sa kaniya noon. Ngumiti ako. Ngumiti rin siya.

"I'm good," sagot ko. "Ikaw? Kumakanta ka na ba ngayon? I didn't know that you have a good voice."

Natawa siya at uminom muna sa kaniyang baso ng alak bago sumagot. Nasulyapan ko ang isa sa mga tattoo sa braso niya na mukha ng isang leon.

"Hindi naman ako kumakanta talaga. Kung kailan ko lang ma-trip-an, gano'n."

Tumango ako. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Kita ko ang paggalaw ng mga mata niya sa kabuuan ng mukha ko na tila sinusuri ang lahat ng detalye roon.

"What do you do now?" tanong ko pa.

"Sa MRV ako nagtatrabaho."

"CEO?"

Humalakhak siya at umiling-iling. "Hindi! That's a fucking high position in a company and I'm not yet fucking ready for that."

Hindi ko napigilang matawa dahil kilalang-kilala ko siya sa ganito niyang pananalita. Some things never really change.

"If you're not a CEO, don't tell me empleyado ka lang sa sarili n'yong kompanya?" tanong ko pa.

I hoped he didn't get me wrong by my question. I didn't have a problem if he's an employee, but it was questionable for me since he's one of the heirs of MRV. Parang isa na rin siya sa mga may-ari no'n kaya ang naiisip ko ay baka mataas ang posisyon niya ro'n.

"I'm a Chief Administrative Officer. But you know what, I prefer a lower position than that. Para hayahay ang buhay at wala masyadong ginagawa." He chuckled.

I chuckled, too, and took a sip on my drink. He watched me carefully while doing it.

"E bakit hindi ka nagpalagay sa mas mababang posisyon?"

"Ayaw nila Papa. They immediately want me to be one of the bosses, so I can start managing the company early. Mas maganda raw na mahasa agad ako sa mataas na posisyon kaya... ayun." He smiled.

Napatango-tango ako. Uminom siya sa bote ng alak niya habang nakatingin pa rin sa akin.

"Ikaw? Natuloy kang mag-architecture?" tanong niya nang matapos uminom.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now