Chapter 32

4.4K 146 19
                                    


TINABIG ni Bryle ang kamay ko nang akma ko siyang pahihigupin ng soup. Tumilapon ang kutsara. Lumapit sa akin ang pinsan niyang si Margaux at tiningnan siya. Nanatili namang masama ang tingin niya.

"Bryle, you need to eat--"

"Wala nga 'kong gana!" pagpuputol niya kay Margaux.

Bumuntong hininga ako at pinulot ang kutsara. Inilapag ko na muna ang mangkok ng soup sa bedside table.

"Why can't you just all leave?! I want to be alone!" sigaw niya pa.

Narito ang iilan sa mga pinsan niya. Kanina pa siya nagagalit sa aming lahat pero pilit naman siyang iniintindi ng mga pinsan niya. Hinahayaan lang siya ng mga ito dahil alam na rin nila ang tungkol sa kondisyon niya.

"We can't, Bryle. We promised Tita Geneva and Tito Rodolfo that we'll take care of you today," mahinahong ani Margaux.

"Wala akong pakialam! Hindi ko kayo kailangan! Gusto kong mapag-isa, hindi n'yo ba maintindihan 'yon?!"

Napatingin ako sa mga pinsan niya na mukhang mga nag-aalala naman sa kaniya. I could see pain and pity in their expressions. It was like they were also hurting to seem him in this kind of state.

I saw how Ali heaved a sigh. He looked at his cousins.

"Mas mabuti pa nga sigurong iwan na muna natin siya. Maybe he needs some space or he doesn't like many people around," sabi ni Ali.

Nakumbinsi niya sina Cire, Johanna, Ciello, Joyce, at Kuya Travis. Tumango din si Margaux at lumapit na sa mga ito.

"Tara, Cyd. Iwan na muna natin siya," aya ni Johanna.

Napatingin ako kay Bryle na nakahiga na ngayon at mukhang naghihintay talaga na magsialisan kami. Napabuntong hininga ako at tipid na ngumiti sa magpipinsan.

"Mamaya na lang siguro. Wala kasi siyang kasama rito."

"Sigurado ka?" nag-aalala pang tanong ni Ciello.

Tumango-tango ako. Sa huli ay hindi rin nila ako napilit na umalis. Sabay-sabay na silang lumabas at hindi na nagpaalam pa kay Bryle dahil alam naman nilang baka sigawan lang sila nito.

Nang makaalis sila ay isinara ko na ang pinto. Paglingon ko kay Bryle ay nakaupo na ulit siya at masama ang tingin sa akin.

"Bakit hindi ka pa rin umalis?!"

I sighed. "Babantayan kita."

"Bakit pa?! Hindi naman kita kailangan!"

Umupo ako sa sofa sa hindi kalayuan ng kama niya. Humalukipkip ako at tiningnan siya. Ganoon din siya at hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha.

"Just pretend that I'm not here. Dito lang ako. Hindi ako mangungulit," mahinahong saad ko.

"Tss," he hissed. "Kailan mo ba maiintindihan na ayaw na nga kitang makita? Hindi ka ba nahihiya? Bakit ang kapal pa rin ng mukha mong magpakita sa 'kin e ikaw nga 'tong may kasalanan kung bakit ako nandito?"

A sharp piece of metal seemed to pierce straight through my chest -- making me weaker. His words were enough to cut every hope and strength I had within myself. The mixture of guilt, regret, and sadness came rushing down my mind and soul -- creating a recipe of an unfathomable and lingering pain.

I knew that what happened was all my fault. I was stupid and careless. I was the only one to blame for. I've been blaming myself every day because it was my fault all alone. Sising-sisi ako at hindi ko maiwasang isipin na walang akong kuwentang girlfriend.

Ang marinig sa mismong bibig niya na ako ang may kasalanan ng lahat ay mas lalong nagbigay ng bigat sa dibdib ko. What's more painful was that... I couldn't even complain or be mad at him for saying those because I knew that it was true.

Blissfully ChaoticWhere stories live. Discover now