Chapter 27

4.4K 141 23
                                    

I didn't proofread. Sorry for the typos!

MARAHANG pinipisil-pisil ni Bryle ang kamay ko habang nakatingin sa akin. Ako naman ay sa labas nakatingin. Medyo kumalma na kami pareho. Narito pa rin kami sa basement parking pero nasa loob kami ng sasakyan ko. Ako ang nasa driver's seat habang siya ay nasa passenger.

"Boo, sorry na..." marahang aniya ulit. "I didn't mean to upset you. Hindi ko alam na 'yon na naman ang sasabihin ng baliw na 'yon."

Taas kilay ko siyang binalingan ng tingin. Malambot na ang ekspresyon niya ngayon kumpara kanina.

"How will you prove to me that she's only lying? That she's really not your girlfriend?"

Bumuntong hininga siya at sinakop na ng tuluyan ang kamay ko.

"I'm telling the truth, Boo. She's really not my girlfriend. We were flings and it only lasted for two weeks. Medyo obsessed siya sa 'kin at sobrang clingy. Nairita ako kaya tinapos ko na kung anong meron sa 'min. At alam niya naman na fling lang siya at sinabi ko na sa kaniya una pa lang na huwag mag-expect ng kahit ano."

Hindi ko pa rin maiwasang magduda, pero hahayaan ko pa rin ang sarili kong makinig sa mga paliwanag niya.

"Isang beses, may kasama akong babae sa bar. Nakita niya kami. Lumapit siya at bigla na lang sinampal 'yong babae at binuhusan pa ng alak. She told the girl that she was my girlfriend when she's clearly not."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the heck? Was that true? If it was, then... maybe that Khatte was really crazy or something.

"I really hope that you believe me, but I understand if you find it difficult. Especially because... you know me as a playboy before. Pero, 'di ba no'ng maging tayo naman noong high school, hindi naman ako nagloko? Hindi ako kailanman nambabae, Cyd. Kasi ikaw lang. Alam kong ikaw lang. Dahil mahal kita."

Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. He smiled a little at me with his sorrowful eyes. He lifted my hand to plant a soft kiss on my knuckles.

"At mas minamahal pa. Sigurado ako ro'n, Cyd. Walang nagbago, Hanggang ngayon ay sigurado akong mahal na mahal kita dahil araw-araw kang nandito." He pointed at his chest.

Hindi na nakayanan ng mga luha ko at nagtuloy-tuloy na sila sa pag-agos. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Naguguluhan pa rin ako at may pagdududa, pero tumatagos pa rin sa puso ko 'yong mga sinasabi niya ngayon.

"Kung gusto mo... puntahan natin si Khatte. Sasabihin ko sa kaniya nang harap-harapan na ikaw ang girlfriend ko. Ikaw ang mahal ko at wala siyang kwenta para sa 'kin."

Unti-unti na 'kong naniniwala sa kaniya ngunit alam ko rin sa loob-loob ko na may pagdududa pa ako. Ewan ko ba. Siguro kasi, ang tagal naming magkahiwalay at hindi nagkasama. Iniisip ko na baka hindi ko na siya ganoong kakilala. I needed to trust him more than I ever did. I wanted to love him more now and in able for me to do that, I should trust him enough.

Pumayag ako sa ideya niyang makipagkita kay Khatte. He texted her and because she was so crazy about him, she immediately agreed. She was expecting to meet only Bryle because that's what he told her. Ang hindi niya alam ay kasama ako.

Kinabukasan, pagdating namin sa isang park kung saan namin siya imi-meet, naroon na siya — nakaupo sa isang bench habang nagse-cellphone. Mahigpit na hinawakan ni Bryle ang kamay ko habang papalapit kami sa kaniya. Unti-unti kong napagmasdan sa personal ang kaniyang itsura.

Makinis siya at parang caramel ang balat. Mahaba at tuwid na tuwid ang buhok. Kahit nakaupo ay makikita na agad ang katangkaran niya dahil sa mahahabang biyas. Huminto kami ni Bryle sa harap niya. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin.

Nang makita si Bryle ay agad na pumaskil ang ngiti sa mukha niya pero nang tumama sa akin ang paningin ay agad siyang napasimangot.

"Bryle, who—"

Bago pa siyang tuluyang makapagsalita ay sinakop na ng boses ni Bryle ang pagitan naming tatlo.

"This is Cydney, my girlfriend."

Nanlaki ang mga mata niya. Ang kaninang malambing na malambing na ekspresyon ay napalitan na ng galit ngayon.

"What?!"

Sumabay sa sigaw niya ang biglaang paglakas ng hangin sa park. Nagsayawan ang mga puno at nagsimulang pumagaspas ang mga tuyong dahon sa paligid.

"You heard me, Khatte. Hindi ko nga alam kung bakit nandito kami at ipinaliliwanag sa 'yo 'to, e. I have nothing to explain to you since you're just a nobody to me!"

Nangatal ang mga labi niya at ilang sandali nga lang ay nagsimula na siyang humikbi. Tumaas ang kilay ko nang kumapit siya sa braso ni Bryle. Mabilis namang inalis ni Bryle ang kamay niya na tila nandiri.

"Bryle, I love you! Alam mo namang mahal kita, so why can't you give me a chance?"

"It's not that I can't, it's because I don't. I don't want to give you a chance. Umpisa pa lang ay nilinaw ko nang hindi ako seryoso. Sabi mo naiintindihan mo? Pero bakit ngayon ay ganito ka? Nag-away pa kami ni Cyd dahil sinabi mo sa kaniyang girlfriend kita? Stop being delusional, Khatte!"

Mas lalong lumakas ang mga hikbi niya at tinangka muling hawakan ang kamay ni Bryle ngunit umatras agad ito.

"Sorry, Bryle. Hindi ko naman alam na may girlfriend ka na, e. Akala ko fling mo lang siya kasi ang alam ko nga ay hindi ka nagseseryoso. Gusto lang kitang iiwas sa mga malalandi at oportunistang babae!"

Kumunot ang noo ko. Ganito ba siya lagi? Sinisiraan niya ba talaga ang bawat babaeng napapalapit kay Bryle? Ganito siya kabaliw kay Bryle?

"And who are you to decide for that, huh? I told you, you're a nobody to me! You're just an ex-fling! Tanggapin mo na lang 'yon, puwede ba? And this girl right here..." Itinuro ako ni Bryle. "Siya lang ang minahal kong babae. Leave us alone. Leave her alone. Don't you ever mess with her again or else, ako na talaga ang makakalaban mo."

Nagpatuloy siya sa kaiiyak. Medyo naawa naman ako. Oo nga't sinabihan siya ni Bryle na huwag umasa dahil hindi naman siya nito seseryosohin, pero syempre, tao lang din siya at may pakiramdam. Hindi niya naman mapipigilan basta ang puso niya na tumibok para kay Bryle.

"Let's go, Cyd."

Bago ako magpatangay sa hila ni Bryle ay nag-iwan ako nang kaunting salita kay Khatte.

"You deserve someone who will love you wholeheartedly, Miss. I hope you stop begging for love and just focus on loving yourself first."

Mas lalong nadagdagan ang luha sa mga mata niya. Hindi ko na siya nahintay pang sumagot dahil hinila na ako ni Bryle. Nang makarating kami sa kaniyang sasakyan ay agad ko siyang inatake ng halik. Nagulat pa siya sa una pero kalaunan ay tumugon din. Our tongues played with each other until we both became desperate for air.

Hinihingal kong naidikit ang noo ko sa kaniya. Ang kaliwang kamay niya ay humahaplos sa baywang ko habang ang isa naman ay nasa hita ko.

"I love you," I uttered.

"I love you more," sagot niya.

Nang kumalma ang paghinga niya ay hinugot niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng pantalon niya.

"I'll delete Khatte's number. I will also change my SIM."

Ipinakita niya sa akin kung paano niya binura ang number ni Khatte. Ngumiti ako sa kaniya. Inilahad niya ang cellphone niya sa akin kaya nagtaas ako ng kilay bilang pagtataka. He smiled.

"You may browse my phone. Wala naman na 'kong tine-text at tinatawagang ibang babae magmula no'ng nagkita ulit tayo, pero baka lang gusto mong... tingnan para makasigurado ka. Tingnan mo ang lahat ng gusto mong tingnan. 0803 pa rin ang password ko."

Something tugged my heart. I looked down on his phone and I slowly moved it back to him. When I looked at him again, I smiled.

"I trust you now and I respect your privacy, Bryle. No need for that."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon