Chapter 8

3.7K 149 12
                                    


INILAPAG ni Bryle ang isang box ng chocolate sa desk ko. Tiningala ko siya kasabay ng pagbuntong hininga ko. Nagkamot lamang siya ng ulo at ngumiti sa akin bago na naupo sa tabi ko.

"I told you that you don't have to give me presents all the time, Bryle."

Pabiro niya akong sinamaan ng tingin.

"There's no big deal, Cyd--"

"I don't want you spending a lot for me."

Tamad siyang napatingala at napahilot sa bridge ng kaniyang matangos na ilong. It was like he was frustrated and so tired of hearing it from me.

"Hindi naman mahal 'yan."

Kinunutan ko siya ng noo at ipinakita sa kaniya ang box ng chocolate just to prove a point.

"Anong hindi? This is Pierre Marcolini's Grand Cru."

"That's just a chocolate, Cyd. Huwag na tayong magtalo, please? Nakakain naman 'yan."

He looked at with gentle eyes like he didn't really want to argue with me anymore. I sighed and just gave up.

"Alright. Thank you," I said.

Isang buwan nang nanliligaw sa akin si Bryle at araw-araw sa school ay kami ang magkasama kaya nagiging komportable na ako sa kaniya. Minsan ay sabay-sabay kaming kumakain ng lunch nina Gab at ng mga kaibigan niya ngunit mas madalas na kaming dalawa lang.

Gabby didn't find it a problem, anyway. She was so supportive. I could tell that she liked Bryle for me so much.

At ewan ko ba sa isang 'yon. Madalas na silang nagsasabay ni Kerwin kapag lunch. Minsan pa'y nakikita ko si Kerwin na hinahawakan ang kamay niya. Hindi ko pa naitatanong kung may something ba sa kanila. Kung pagbabasehan ang mga napapansin ko, mukhang mayroon nga.

"Absent si Ma'am Garcia! Orayt!" anunsyo ng isa sa mga class officers namin nang makabalik ito galing sa faculty.

Naghiyawan ang mga kaklase ko at kulang na lang ay magpa-party. Nakisali si Bryle sa kasiyahan pati na ang mga kaibigan niya.

"Tangina, finally um-absent din!" si Bryle.

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Napailing-iling ako at natawa rin nang kaunti. Ni isang beses kasi ay hindi pa um-absent ang teacher namin na 'yon. Terror pa naman 'yon tapos ang hilig magtawag.

Nakita ko ang pagtayo ni Gabby mula sa kinauupuan niya pati na ni Kerwin. Sabay silang lumabas ng room. Saan naman kaya pupunta ang dalawang 'yon?

Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Ang iba'y pumorma na ng pabilog at nagsimulang magkuwentuhan. Ang iba'y nagsalpak ng earphones sa mga tainga. May iba ring panay ang tayo at labas.

Bryle went back beside me after talking to his friends for a while. I smiled at him.

"How's your brother, Cyd? Magaling na ba?"

Tumango ako. "Oo. Bukas, puwede na ulit siyang pumasok."

Na-dengue si Enrico kaya ilang araw siyang hindi nakapasok. Na-confine siya sa ospital at si Mommy ang palaging naroon para samahan siya. Kawawa naman ang isang 'yon. Ang payat-payat na nga, lalo pa tuloy namayat dahil sa dengue.

"Mabuti naman. Putangina talagang mga lamok 'yan. Dapat no'ng kinagat siya, kinagat niya rin."

Napakaikot ako ng mata sa sinabi niya. Ang isang 'to talaga, puro kalokohan ang pinagsasasabi minsan.

Tumawa siya sa naging reaksyon ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"I wanna eat. Baba muna ako," sabi ko bago kinuha ang wallet sa bag ko.

Blissfully ChaoticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon