Chapter 58:❤️Difficult

503 27 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Oh magpalit ka na muna ng damit baka mamaya niyan magkasakit ka pa, basang-basa kana dahil sa ulan"

Inaabot ko naman kay Julia yung white T-Shirt na extrang dala ko sa kanya pero nakatingin lang siya habang nangangatog sa lamig. Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng ulan.

"Pagpasensiyahan mo na tong damit na binibigay ko sa iyo ha? Hindi kasi toh imported o high quality na brand katulad ng mga isinusuot mo sa pagmo-model mo" Dagdag ko pa.

"May sinabi ba ako? Akin na nga!" Habang tumatagal nawawala na yung pagka-ilang ko sa kanya, bakit? Dahil parang yung mga pag-uusap namin nitong mga araw halos pabalang o pagalit.

Nanatili naman akong nakatingin sa kanya habang binubuka niya yung damit. Napatingin naman siya sa akin na nakataas ang kilay.

"Baka gusto mong lumabas?" Mataray naman niyang utos sa akin. Edi lalabas. Inabot siguro ako ng 30 minutes sa labas na nakatayo. Ang tagal naman niyang magpalit ng damit. Kaya naman pumasok na ako.

Tignan mo nga naman tong babae na toh tapos na pala magbihis hindi man lang ako tinawag para pumasok. Nanonood pa siya ng TV at naka-pose na parang reyna.

"Bakit hindi mo ako tinawag? O kinatok man lang para makapasok na ako? Tapos ka na palang magbihis 30 minutes akong naghintay dun" Sa totoo lang, napipikon na ako.

"Ang tanga mo rin naman sana ng mapansin mong 5 minutes na pumasok ka na tsaka bakit ako kakatok nasa labas ba ako? Diba nasa loob ako and last but not the least sana bumili ka na lang rin ng makakain natin, nagugutom na ako" Pigilan niyo ako naiinis na talaga ako kay Julia. Nagbago na talaga siya pati pag-uugali niya. Naging si Clara Del Valle na siya.

"Wow! Ganun?" Inis ko namang kinuha yung manipis na white T-Shirt na isa at napansin kong bagay naman sa kanya yung T-Shirt kaso nga lang nag-shorts pa siya sobrang ikli.

Napatingin naman siya sa akin ng huhubarin ko na SANA yung suot ko na basa ay hindi medyo tuyo na dahil ang tagal kong naghintay sa labas.

"Baka gusto mong lumabas?" Sabi ko naman sa kanya. Akala niya siya lang marunong magtaray? Hindi noh pati ako kaya ko yun ako yata si Gino Dela Rosa.

"At bakit naman ako lalabas? Wag kang mag-alala hindi kita sisilipan akala mo naman may 6 pack abs ka" Hindi daw siya lalabas pero ayun lumabas rin. Pagkahubad ko sa damit ko hinawakan ko ang tiyan ko medyo matigas naman siya pero wala pa kasing nabubuo na pandesal eh. Patutunayan ko sa babaeng yun magkakaroon rin ako ng abs.

Nang makapag-bihis na ako kakatukin ko na sana yung pinto para makapasok na siya pero ng maalala ko yung ginawa niya kanina napangiti ako, hindi ko siya tatawagin para makapasok dito hahayaan ko rin lang siyang marealize na matagal na at kailangan na palang pumasok.

Naupo na ako sa harap ng TV at napatingin sa pinto kung papasok na ba siya. Mabuti yan sa iyo Julia ganti ko lang yan sa iyo.

Napatingin ako sa relo ko 15 minutes na agad ang nakakalipas mukhang lalagpasan niya pa yata ako pero hindi pala. Umabot lang hanggang 20 minutes.

"Ano ka ba?! Bakit hindi mo ako tinawag?! Tapos ka na palang mag-bihis?!" Sigaw niya sa akin. Napangisi naman ako.

"Oh diba nakakainis maghintay sa labas?" Pang-aasar ko naman sa kanya. Inis naman siyang umupo dun sa may kama.

"Para ipaalala ko nga pala sa iyo sa lapag ka matutulog ah?" Nanlaki naman mga mata niya ay hindi mga tenga pala.

"Ano?! Babae ako kaya dapat sa kama ako ikaw lalake kaya dun ka sa lapag" Protesta naman niya.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now