Chapter 59:❤️DJ?

474 22 1
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Maraming salamat sa inyong lahat mga JulNiel Fans! Sobra kaming nag-enjoy ni Julia kasama kayo ngayong Grand Fans Day namin so sa susunod ulit at sinisiguro namin na mas masaya iyon kesa dito" Sabi ko naman at hinawakan ko si Julia sa beywang na ikinakilig nilang lahat.

Pero ng tignan ko si Julia parang nandidiri siya pero nakangiti. Pagkatapos nito nag-ayos na kami at inihatid na kami pauwi ni Julia sa bahay namin. Hindi na ako nagdala ng sasakyan dahil ihahatid na rin naman kaming dalawa ganun din si Julia.

Ayan si Julia nakapikit at nakahawak sa sentido niya sa tabi ng bintana mukhang napagod yata siya. Kinuha ko yung paper bag na punong-puno ng regalo galing sa mga Fans namin at binuksan ang isa sa mga iyon.

Nakakatuwa lang kasi kahit na wala pa kaming serye ni Julia non eh may JulNiel Fandom na kami at mas dumami pa sila ngayon.

Pagoabukas ko ng regalo isa siyang picture frame, may picture namin ni Julia sa loob, napangiti naman ako. Ito yung picture namin sa photoshoot ng serye namin yung buhat-buhat ko siya na Bridal Style.

DJ, ano bang nangyayari sa iyo? Bakit ka napapangiti diyan? It's just a picture natutuwa ka lang dahil may regalo ka okay? Hindi yung mismong regalo na hawak-hawak mo at tinitignan mo, hindi yung picture mismo ninyo ni Julia okay?

"Manong, may gamot po ba kayo diyan para sa sakit ng ulo?" Tanong naman ni Julia na nakadilat na ng mga mata.

"Naku mam, wala po eh" Sagot naman sa kanya ni Kuya.

"Ganun ba? Sige po salamat na lang po" Nakakasama naman ng loob tong si Julia ako tong ka-trabaho niya at katabi dito sa sasakyan si manong pa mismo tinanong at hindi ako. Pero teka may mga gamot pala akong dala just in case.

"Uhh......Julia meron ako dito" Sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ako habang nakahawak pa rin siya sa sentido niya.

"No thanks, I can handle it" Tignan mo toh tinutulungan mo na nga ayaw pa. Bahala siya tiisin niya sakit ng ulo niya.

Nang dumating na kami sa bahay niya kinuha niya na yung mga gamit niya at lumabas na ng sasakyan. Hindi man lang nagpaalam sa akin and I guess galit pa rin siya sa akin. Kinuha ko naman yung picture frame at tinignan muli nakalimutan kong tanungin sa kanya baka gusto niya pero on the other side naisip ko na syempre hindi baka magselos si Quen kapag nakita toh.

Balita ko nga live in sila ni Quen eh sa Condo. Ang babata pa naglilive-in na. Di bale nasa right age nanaman sila pero sa akin masyado pang bata para sa ganun baka mamaya.......Hay, ayokong mag-isip ng kung ano nasa kanila nanaman yun kung gagawin na nila yun. At ano namang pake ko?

"Hi ma!" Bati ko naman kay mama pagkapasok ko ng bahay. Nilapag ko naman yung paper bag at yung backpack ko.

"Hi! Kamusta Grand Fans Day ninyo ni Julia?" Umupo naman ako sa couch.

"Okay naman nakakapagod" Simpleng sagot ko naman. Akala ko nga nung una hindi papayag si mama na tanggapin ang role ko sa serye namin ni Julia pero ayan siya mukhang payag naman siya at kampante. Siguro dahil sikat na sikat si Julia kaya siya pumayag kasi dati ayaw na ayaw niya kay Julia at ipinapalayo pa ako sa kanya NUNG KAMI PA.

"The both of you? Kamusta naman since nag-start na kayo sa taping? Is there any problem?" Mukhang alam ko kung anong tinutukoy ni mama ah.

"Okay naman kami ma at mukhang nakapag move-on nanaman siya same us me" Nga ba?

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now