Chapter 45:❤️Hospital Tension

757 24 5
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Enrique Gil Point of View-

"Ano Quen okay na ba yung binti mo?" Nag-aalalang tanong ni Julia sa akin. Nandito kasi kami sa Hospital at tinahi yung malaking sugat na natamo ko dun sa motorsiklo na balak nakawan yung Assistant ni Direk kanina paglabas namin kaya ayun tinulungan ko kaso ito naman ang natamo ko malaking sugat.

Nung natapos na kami kanina hindi pa ako nakakagawa ng plano para hindi mapapunta si Julia dun kaso tadhana na yata ang gumawa ng paraan para hindi siya makapunta dun di bale kasama naman ni DJ siguro si Kath dun ngayon.

"Oo Julia okay lang ako. Pasensiya na kung dahil sa akin hindi ka nakapunta kay DJ ah?" Sabi ko naman sa kanya. Nakita ko naman na medyo nalungkot siya.

"Okay lang yun tsaka isa pa pupunta ba ako dun para makapag-moment kay DJ kung nakita ko na ganyan kalagayan mo? Kaya mo bang maglakad?"

"Oo kaya kong maglakad masakit lang talaga yung sugat. Makarma sana yung dalawang taong nakasakay dun"

"Cge dito na muna ako hanggang bukas para naman may taga-bantay ka eh diba sabi mo yung mama mo at dalawang kapatid mo nag out of the country?"

"Oo nga eh kung kailan ko sila kailangan. Salamat Julia ah?"

"Wala yun ngayong ikaw naman ang may kailangan ng tulong tutulungan kita kasi diba dati kapag hirap na hirap ako tinutulungan mo ako?" Naupo naman siya sa tabi ko.

DJ is lucky to have a Girlfriend like her. Correction nga pala hindi PA pala sila.

-Daniel Padilla Point of View-

Napatayo ako sa sinabi ni Kath sa akin. Ako daw ang gusto niya at mahal niya, hindi raw si Quen at kunwari lang iyon.

All this time may pagtingin pala sa akin si Kath?

"Kath, joke ba yun?" Baka kasi nantitrip lang toh eh trispter kasi toh minsan.

"DJ, mukha ba akong nagbibiro?" Tumayo na rin siya at hinarap ako.

"Alam mo naman na kami ni Julia diba? Isa pa Bestfriend mo siya. Kaya bakit ako pa?"

"Ano naman ngayon kung kayo ni Julia? Ano naman ngayon kung Bestfriend ko si Julia? DJ, mahal kita at yun ang totoo" Hindi ko akalain na baliktad kami ni Kath.

ON CAM: Ako ang nagsasabi na mahal ko siya kahit na hindi.

OFF CAM: Siya ang nagsasabi na mahal niya ako katulad ngayon, nagtapat siya sa akin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Parang natahimik ako bigla. Mahal niya raw ako?

Kinuha ko na yung mga gamit ko at aalis na sana ng maramdaman ko na yumakap siya sa likod ko.

"DJ, please. Ako na lang gagawin ko ang lahat para lang mahalin mo ako" Hindi ko maintindihan si Kath ngayon pakiramdam ko desperada siya sa akin. Tinanggal ko naman ang mga braso niya na nakapulupot sa bewang ko at hinarap ko siya.

"Kath, si Julia ang mahal ko. Hindi kita mamahalin kahit kailan kung may maibibigay man ako sa iyo na pagmamahal yun ay ang pagkakaibigan lamang kaya alisin mo yang nararamdaman mo sa akin"

"Akala mo ba ganun lang kadali yun DJ? Pagkatapos ng mga sinasabi mo sa TV? Na mahal mo ako? Na nagbago ka dahil sa isang Kathryn Bernardo na tulad ko? Akala mo ba hindi ako naapektuhan sa mga sinasabi mo?" Sabi niya habang umiiyak siya.

"Pero Kath para sa Fans lang yun para sa kasikatan natin. Hindi ko yun sineryoso pero ikaw, bakit mo sineryoso?"

"Dahil nga mahal kita DJ! Mahirap bang intindihin yun?! Ngayon lang ako nagkaganito DJ at dahil sa iyo yun. Oo nga trabaho lang yun it's just the sake of our fans and our career pero wala eh isang araw tumibok na lang tong pusong toh para sa iyo" Tinuro naman niya ako at umalis na siya sa harapan ko.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now