Chapter 31:❤️Trouble

929 24 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Nandito nanaman kami sa probinsiya. Nagtataping ng The Strangers kaya mahabang biyahe nanaman ang ginawa namin at sa sasakyan ulit ako ni Quen sumakay.

"Hindi mo ba napapansin palagi na lang tayo sa Probinsiya nagtataping ng mga pelikula natin?" Bigla namang sabi ni Quen pagkabuhat ko sa mga gamit na dala ko.

"Oo nga eh. Tsaka parang nakakatakot dito Quen wala masyadong mga bahay tsaka puro napaliligiran ng puno"

"Eh diba sabi mo gusto mo sa ganitong lugar? Tahimik, sariwa ang hangin tsaka makakapagisip-isip ka?"

"Dun sa ibang probinsiya pero sa ganitong klaseng probinsiya hindi nakakatakot parang may multo tapos aswang pa role nating magkapatid dito na nagcecelebrate ng 18th Birthday"

"Hayaan mo akong bahala sa mga multong gusto kang guluhin. Tara na"

Binuhat niya ang bag na dala-dala ko kahit na mabigat ang dala niya. Hindi ko na inagaw kasi kung aagawin ko hindi naman niya ibibigay sa akin.

"Kumain muna kayo and then after 1 hour and 30 minutes start na agad tayo sa taping" Sabi ni Direk. Ano ba yan kadadating nga lang taping agad pagkatapos kumain? Nakakapagod naman.

"Oh Julia at Quen dito na kayo maupo sa tabi namin" Sabi naman ni Ate Cherry Pie Picache.

"Hindi na po dito na lang po kami sa dalawahan gusto po kasi naming masolo ang isa't-isa" Pinalo ko naman si Quen sa may balikat niya. Loko talaga toh. Natawa na lang si Ate Cherry sa amin at naupo na kami at ibang casts sa kabilang table. Umorder na si direk para sa amin at naghintay na.

Kinuha ko naman ang phone ko na nagriring si DJ pala.

Ako: Hello DJ?

DJ: Nandyan na ba kayo?

Ako: Oo na dito na kami wag kang mag-alala.

DJ: Hindi naman ako nag-aalala na pumunta ka sa mga probinsiya eh para mag-taping ang inaalala ko ikaw dahil kasama mo si Quen.

Napatingin naman ako kay Quen na nakikinig sa usapan naming dalawa.

Ako: Naku! Ikaw talaga tumigil ka nga DJ hindi naman ano tong si Quen noh.

DJ: Nagsasabi lang oh paano mag-ingat ka sa kasama mo. Bye! Miss You and Love You!

Ako: I miss you and I Love You Too! Bye!

(Call Ended)

"Concern Boyfriend huh?" Sabi naman ni Quen ng maibaba ko ang phone ko.

"Oo mag-ingat daw ako sa kasama ko imbis sa lugar na toh"

"Kasama mo sino ako ba? Pinupuntirya nanaman ako nung patpatin na yun"

"Ganun lang talaga yun. Pero Quen nung nagtataping kayo ng PAI wala namang awkward sa pagitan ninyo ni DJ diba kasi alam kong mainit pa rin dugo niya sa iyo kahit na hindi mo na ako liligawan?"

"Hindi ko na lang siya pinapansin tsaka ba't pa siya magagalit sa akin eh panalo na naman siya sa iyo diba?"

"Oo nga eh"

"Oh ito na pala order. Salamat po kuya!" Sabi naman ni Quen kay kuya waiter at nilagay na ang mga pagkain sa may table namin.

"Wow! Ang sarap naman!" Sabi ko at naglagay na ng pagkain sa may plato ko.

"Uy dahan-dahan lang Julia may bukas pa huy!" Saway naman sa akin ni Quen.

"Naalala ko nga pala hindi ako nag-almusal kaninang umaga kaya gutom na gutom ako"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now