Chapter 16:❤️DJ's EX

1.2K 25 1
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Pagka-uwi ko sa bahay diretso agad ako sa kwarto ko. Sina mama at ang mga kapatid ko mga tulog na ata anong oras na rin kasi eh mga 12:30 na ng umaga.

Ang saya ko nga kasi isinandal ko ang ulo ni Julia sa balikat ko para hindi siya mahirapan.

-Flashback-

Habang nagkwekwentuhan kami ni Quen napatingin ako sa may salamin na nasa harapan kaya nakita ko si Julia na halos mabali na ang ulo sa kakabagsak.

"Quen mukhang nahihirapan yata si Julia. Hinto mo muna saglit lilipat ako sa likod"

"Bakit?"

"Isasandal ko ang ulo niya sa balikat ko para makatulog siya ng maayos"

"Cge sandali lang"

Hininto ni Quen yung sasakyan at lumipat ako sa may likod. Hinawakan ko ang ulo ni Julia at isinandal sa may balikat ko.

"Salamat DJ sa pagkakaroon ng concern sa Future Girlfriend ko"

Sabi naman ni Quen. Maka Future Girlfriend naman toh.

-End of Flashback-

Minsan si Quen okay na nga biglang hihirit pa ng ganun. Kagaya kanina sasabihin ko kay Julia na kaya dedicated sa kanya yung mga kanta dun eh dahil mahal ko siya eh kaso biglang lumabas si Quen sa may CR kaya di ko na natuloy.

Habang nakahiga ako sa may kama at nagfaflashback sa mga nangyari kanina biglang tumunog ang phone ko. Si Julia tumatawag. Nananaginip ba ako? Dali-dali ko naman itong sinagot.

Ako: Hello Julia? Ba't napatawag ka? Anong oras na ah gising ka pa?

Julia: Kaya ako tumawag dahil gusto ko lang mag thank you dun sa album na binigay mo pati dun sa may pagsandal ng ulo ko sa may balikat mo para hindi ako mahirapan.

Ako: Wala yun pero paano mo nalaman na ako yung nagsandal ng ulo mo sa balikat ko?

Julia: Sabi ko kasi kay Quen kanina thank you dahil isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya para hindi ako mahirapan pero ang sabi naman niya ikaw yun. Kaya thank you

So iniisip pala ni Julia na si Quen yun imbis na ako? Nakaramdam nanaman tuloy ako ng selos at inis.

Julia: DJ yung sinabi mo kanina na dedicated sa akin yung ilang kanta duon bakit?

Ako: Kasi ano..... (Sasabihin ko na ba?)

Ako: Kasi.....Julia......Toot....toot....

Biglang nag toot....toot.... Yung cellphone ko tapos pagtingin ko low bat na. Bwiset! Yun na yung pagkakataon oh! Cellphone ba't hindi ka nakisama?

Pumasok ako sa may kwarto ni JC nagulat pa nga siya dahil nanonood pala ng nakakatakot tapos bigla-bigla akong papasok.

"Bregs! Peram naman ng phone mo oh"

"Bakit?"

"Tatawagan ko lang si Julia"

"Ahh....cge ayun oh sa may side table ko...may number pala ako ni Julia diyan"

"Bakit?"

"Don't worry wala akong gusto sa kanya friends lang kami"

Kinuha ko na yung phone niya. Full bat nga eh kaso wala namang load. Ba't ba may mga pagkakataon na yun na eh oh yun na yun na tapos low bat walang load.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now