Chapter 56:❤️Project Together

542 28 4
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Malakas kong ibinagsak ang iniinom kong bote ng alak sa lamesa naming Parking 5 dito sa VIP ROOM sa may Medly Club.

"Hindi ko alam kung bakit pa siya bumalik sa buhay ko eh. Hindi ko alam kung bakit. Ano ba?! Nandito ba siya para guluhin ang buhay ko o ano?!"

Sobrang lasing na nga siguro ako kaya nasasabi ko ito. Katatapos lang ng Concert ko kanina at kung hindi ba naman loko ang Managment siya pala ang Surprise Guest sa Concert ko sa Last Part pa kaya sobra akong nagulat.

"Alam mo DJ lahat ng bagay nangyayari kaya nga may kasabihan na everything happens for a reason diba? Malay mo kaya pala siya bumalik eh dahil magiging kayo pala ulit diba? Noh Babe?"

Sabi naman ni Lesther sa akin sabay halik dun sa babae niya. Lahat sila may kasamang babae maliban lang sa akin dahil ayoko. Dahil nandito ako para makapag-lasing hindi makipag-landian.

"Ganun? Pwes, ayoko! Hindi na ako babalik sa kanya!"

Nagtawanan naman silang lahat.

"Yun eh kung pipilitin ka niyang bumalik sa kanya! Hahaha!"

Napa-iling na lang ako at uminom muli. Nang umuwi kami ni JC sa bahay mga alas-dose na ng umaga dahil masyado kaming nagpaka-lasing sa Bar. Selebrasyon yun para sa successful kong Concert kanina lang.

Symepre kapag umiinom ka kinabukasan magkakaroon ka ng Hang-over kaya sasakit ang ulo mo. Sermon lang naman inabot namin kay mama. Dahil kahit 20 years old na ako at si JC ay 18 hindi pa rin namin kaya sarili namin lalo na't kapag lasing na lasing kami.

Sa totoo lang, habang tumatagal ang Karera ko sa mundo ng Showbiz nagsasawa na ako. Ito na ba yung unti-unti kong mararanasan hanggang sa marealize ko na dapat Love ang pinili ko at hindi Career?

Hininto ko yung sasakyan ko sa Parking Lot ng ABS CBN dahil may PressCon kami ngayon sa Teleserye kong gagawin na ang Title ay Makita Kang Muli. This Time hindi si Kath ang Leading Lady ko dahil ngayon susubukan nila akong ipair-up sa iba at hindi ko alam kung sino yun, malalaman ko lang kapag nandun na ako.

Pagkabukas ko ng Conference Room nanlaki mga mata ko sa nakita ko. Anong ginagawa ni Julia dito?

Bumalik ako sa realidad ng kuhanan ako ng larawan. Tumayo naman si Direk Cathy Garcia Molina at ginuide ako sa pag-upo sa tabi ni Julia.

"Hi DJ!" Bati naman sa akin ni Julia. Ngiti lang ang isinagot ko.

"So gulat na gulat ka ba DJ?" Tanong naman sa akin ni Direk Cathy.

"Naku, hindi po. Naging magka-trabaho naman kami noon ni Julia kaya okay na sa akin" Napatingin naman ako kay Julia. Masasabi ko na napaka-ganda niya talaga.

"Mabuti naman kung ganun. Ikaw Julia?"

"Same as DJ po Direk Cathy" Napahawak ako sa dibdib ko at medyo kinabog ng mahina. Ano bang nangyayari sa akin? Magkatabi lang kami ni DJ kinabahan na agad ako.

"So let's start the Story Conference ha?"

Pinakilala sa amin isa-isa ni Direk Cathy yung mga makakasama namin pero yung isa wala daw kasi nasa Japan pa at sa saktong Taping na namin makikilala. Ayaw sabihin sa amin ni Direk Cathy para surprise daw.

Yung Teleserye na gagawin namin ni Julia is about sa dalawang magkasintahan na naghiwalay at after 2 years ay nagkita sila muli.

Ayoko mang isipin pero parang ganun ang nangyari sa amin ni Julia. Naghiwalay kami and after 2 years nagkita kami uli pero ang pinagka-iba nun hindi na kami magkakabalikan.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now