Chapter 22:❤️Possessive

1K 29 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Matapos ang tapatan na nangyari sa amin ni DJ noong isang linggo halos araw-araw siyang tumatawag sa akin para kamustahin ako at para sabihing mahal na mahal niya ako. Yung mga gig nila pumupunta ako para suportahan siya kaso kailangan kong mag dusguise baka kasi may paparazzi patay na.

Tumawag nga sa akin si Kath at kinongrats pa ako dahil sa wakas nagkatapatan na daw kami ni DJ at magkakaroon na siya ng chance kay Quen. Sa totoo lang hindi ko pa nababawi kay Quen yung chance na binigay ko. Hay paano kaya yun?

Wednesday na ngayon at sa Sabado may date kami ni DJ. Tapos ang sabi pa niya dadalhin niya raw ako sa isang lugar na kung saan siya lang ang nakakaalam. Dadalhin niya raw ako sa isang secret place at kaming dalawa lang ang naroon. Excited na nga ako eh.

After kasi nung magtapat siya sa akin nung 2010 naging hectic ang mga schedule namin at kung anu-ano ng mga intriga ang lumabas. Boyfriend ko raw si Enchong tapos manliligaw si DJ kay Kath kaya walang communication or what kaya siguro inisip namin sa isa't-isa na baka nalimutan na namin iyon.

Nandito ako ngayon sa set ng Walang Hanggan at as usual taping ulit pero break muna namin ngayon kaya nandito muna kami sa loob ng tent. Kasama ko si Ate Melissa Kuya Paulo and Kuya Coco. Nakaupo kaming apat dito habang nagkakalikot sa mga phone namin.

"Goodmorning po Sir Quen!" Narinig ko naman iyon galing sa may labas. Teka si Quen nandito?

"Quen's here?" Tanong naman ni Ate Melissa.

"Ewan ko sandali check ko lang" Lumabas ako at nagulat, si Quen nga nandito at may dala-dalang pagkain habang nakangiti sa akin.

"Hi Julia!" Bati naman niya sa akin. Lumabas din si Ate Melissa at napangiti sabay tingin sa akin at siko.

"Hello. Anong ginagawa mo dito Quen?"

"I'm just visiting you because I kinda miss you"

"Uhmmmm....." Teka ano bang sasabihin ko? Medyo kinilig ako pero hindi ibig sabihin nun gusto ko siya noh. Mahal ko si DJ at siya lang. Normal lang naman sa babae ang kiligin kahit hindi niya gusto ang lalaki.

"Here I brought some food para sa inyo. Ate Melissa oh" Iniabot naman niya iyon kay Ate Melissa.

"Salamat dito ha Quen. Cge maiwan ko muna kayo ni Julia" Pumasok na ulit si ate Melissa kaya kami na lang naiwan dito.

"Uhmmmm..... Noong Sunday hindi tayo natuloy lumabas pwede na ba ngayon kahit mamaya after ng taping ninyo?" Patay hindi pwede dahil baka magalit si DJ.

"Ha? Ano.....kasi.... May gagawin pa ako after ng taping so hindi pwede eh"

"Talaga? What about tomorrow? The next day?"

"Uhhhh..... Cge bukas na lang" Wala akong maisip na idadahilan lara hindi pumayag siguro bukas ko na lang sasabihin sa kanya na binabawi ko yung chance na ibinibigay ko sa kanya.

"Yes! So tomorrow ha after ng taping ninyo susunduin kita dito okay?"

"Oo cge. Tara kumain muna tayo sa loob gusto mo?"

"Sure! Tara!" Bigla naman niya akong inakbayan papasok sa loob. Kung nandito si DJ baka nanlilisik na mga mata nun kay Quen.

-Daniel Padilla Point of View-

Nandito kami ngayon ni Kath sa may set ng PAI at kinukwento sa kanya ang nangyari noong Sunday.

"Tapos alam mo ba Kath......." Napatingin ako kay Kath na nagkakalikot sa phone niya. Nagkwekwento ako dito parang hindi naman nakikinig.

A Life In Star World [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ