Chapter 3: ❤️Picture

1.6K 32 2
                                    

A Life In Star World

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

KRINGGGGGG!!!!!

Hay ang aga-aga may tumatawag agad? Kinapa ko naman sa side table ko yung phone ko na nagriring na ang aga-aga mang-istorbo at inis na sinagot ito.

"Hello!?" Nakapikit ako ng sagutin ko ito kasi inaantok pa talaga ako.

"JULIA!!!!!!!" Bigla namang sumigaw yung nasa kabilang linya teka si Fretty Girl toh ah. Napamulat ang mata ko at napaupo sa kama. Mamaya kasi kung ano ng nangyari sa kanya.

"Freety Girl!? Fretty Girl!? Anong nangyari sa iyo!? Nasaan ka!? Nakidnap ka ba!? Nirarape ka ba ngayon!? Magkano yung perang hinihingi nila!?"

"Ano ka ba teh! Hindi ako nakidnap o narape anong akala mo sa mga rapist kahit lalaki rarape-in nila. Kaya ako tumawag sa iyo kasi sabi sa akin ng manager mo na ikaw ang gaganap na Katerina sa Walang Hanggan!!!!!!! At makakatambal mo pa si Super Yummy Coco Martin!!!!!!!!!" Nilayo ko naman yung phone ko sa tenga ko kasi bigla-biglang sumisigaw.

"Ano ba Fretty Girl wag ka ngang sumigaw pero pwera biro ako nga daw?"

"So ganun iniisip mo nagiimbento ako ganun?"

"Hindi naman to namang baklang toh kailan daw magsisimula?"

"Sa January 26 teh!!!!!!!! Excited na ako!!!!!" Napatingin ako sa kalendaryo malapit na nga.

"Oo nga eh halatang-halata sa boses mo mas excited ka pa kesa sa gaganap cge na salamat sa balita"

"Cge text ko sa iyo ang schedule mo ha kasi yung manager mo busy kaya pinakiusapan ako na ako na ang magbigay sa iyo tutal palagi tayong magkasama lalo na sa photo shootings mo bebe! Excited na talaga ako promise! Cge bye, Hintayin mo text ko ha! Babooo!"

Napangiti ako na abot tenga kasi syempre may proyekto nanaman ako sa ABS tsaka makakatambal ko pa si Coco Martin tsaka sino pa kaya yung iba naming makakasama? Sana si John Llyod Cruz kasama kasi crush ko talaga yun since Goin Bulilit Days pa lang.

Maya-maya pa nag text na sa akin si Fretty Girl at yun nga hectic na ang schedule ko sa mga susunod na araw. Balik nanaman ako sa pagmememorize ng lines tapos may mga promo shoot, guestings at kung anu-ano pa.

~~~~~

(Presscon..... Walang Hanggan)

Maaga kaming dumating dito sa Venue ng Presscon ng Walang Hanggan kasama ko sina Coco Martin, Melissa Ricks, Joem Bascon, Paulo Avelino, Helen Gamboa, Susan Rocess, Dawn Zulueta at Richard Gomez at marami pang iba.

As usual interview ito kung saan tatanungin kami kung ano nararamdaman namin sa proyektong ito kung bakit ano basta marami kahit anong teleserye ganito ang ginagawa bago magsimula ang serye.

Akala ko nga kasama si John Llyod Cruz eh pero okay na rin kasi nandyan ang paborito kong LoveTeam na CharDawn. Ang Idol kong si Kuya Coco isa sa Bestfriends ko na si Melissa Ricks at paborito kong veteran actresses na sina Helen Gamboa at Susan Rocess.

After a few minutes nagsimula na ang Presscon at nakaupo kaming lahat sa harapan para interviewhin sa bago naming serye.

"Goodafternoon po Miss Julia Montes. Ano pong naging reaction ninyo ng malaman ninyo na kayo ang gaganap na leading lady ni Coco Martin?" Tumingin muna ako kay Kuya Coco bago sumagot.

"Syempre po nagulat po ako kasi syempre mataas po yung pagtingin ko kay Coco kasi nga po magaling po siyang umarte tsaka binansagan rin po siyang Indie King so masaya po"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now