Chapter 27:❤️Open Forum

1K 24 3
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Bago ako pumunta sa Set ng The Reunion nag-text sa akin si Quen. Nagtatanong siya kung pwede daw ba na sabay na kaming pumunta magtetext sana ako na hindi na at okay lang kaso nakita ko yung sasakyan niya na huminto sa tapat ng bahay namin.

Lumabas na ako at nakita ko siyang lumabas sa kotse niya.

"Hi Julia! Tara?"

"Ahh...cge...Salamat nga pala" Pumasok na ako sa loob at siya rin pumasok na rin at nag-drive na.

Sabi ko kay DJ kahit sino man ang kasama ko siya pa rin ang mahal ko kaya siguro hindi naman siya magagalit or magseselos kapag nalaman niya na sabay kami ni Quen na pumunta sa set ng The Reunion.

Ewan ko pero parang nakakaramdam akong Awkward sa pagitan naming dalawa. Ewan.

"Kamusta na kayo ni DJ? Kayo na ba?" Bigla naman niyang tanong sa kabila ng katahimikan.

"MU lang kami ngayon pero hindi pa kami"

"I see. So since 2010 pa pala kayo nagmamahalan. Nauna nga kayo kesa sa akin"

"Galit ka ba sa akin Quen?"

"Of course not. Sa tingin mo kung galit ako sa iyo magtatanong ako na isabay na kita sa akin papunta sa Set? Tsaka isa pa hindi ako marunong magalit sa taong minamahal ko"

"Quen..."

"Julia once na nalaman kong sinaktan ka ni DJ or nasasaktan ka dahil sa kanya hindi ako magdadalawang-isip na agawin ka sa kanya"

Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Talagang mahal na mahal ako ni Quen. Ano bang nakita niya sa akin at ganyan siya pagdating sa akin?

Pagkadating namin sa may Set nagbihis na kami as Boggs at Ligaya. Bali yung mga scenes ngayon ay tatlo muna ang gagawin namin. Tapos bukas papunta kami sa probinsiya para mag-take ng scenes duon malapit sa mga bundok.

Unang scene na gagawin namin dito ay yung Basketball Scene na kung saan nagbabasketball sina Quen at mapapadaan ako duon kasama ang mga kaibigan ko at accidentally matatamaan ako. Teka parang ganito yung nangyari sa Basketball Practice nila.

Second scene na tinatake namin ngayon unti-unting lumalapit ang mukha ni Quen sa akin para halikan ako pero pinigilan ko siya gamit ang daliri ko. Parang noong hahalikan din ako ni DJ noong unang nagtapat siya sa akin pinigilan ko din siya gamit ang isa kong daliri.

"Uhm! Uhm...uhm...uhm..." Sabi ko sabay takbo. Pero bago yun lumingon muna ako at nginitian siya. Ibig sabihin nung 'uhm' hindi pwede pa.

"AND CUT!" Sigaw naman ni Direk.

"Sayang bitin yung kiss" Sabi naman ni Quen. Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso niya.

"Ahh ganun? Gusto mo matikman ang bagsik ni DJ?"

"Sus, patpatin naman yun eh atleast ako may muscles"

"Uy! Susumbong kita ha tinawag mo siyang patpatin"

"Bakit totoo naman ah tsaka kung tutuusin hindi nga kayo bagay dahil siya patpatin tsaka moreno eh ikaw sexy ka tapos mestisa at kung tutuusin pa mas bagay tayo kasi parehas tayong mestiso at mestisa tsaka may katawan"

"Ewan ko sa iyo" Uminom na muna ako ng tubig bago magpalit ng damit para sa third scene na gagawin namin.

Inabot ng 8 hours ang taping namin ngayon kaya pack-up na at bukas may biyahe pa kami para sa ilang scene na itatake namin duon kasama ang ibang casts.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now