Chapter 35:❤️Dinner Date

874 23 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Star Magic Ball na ngayong Saturday kaya abalang-abala na kaming mga artista sa pagpapagawa ng aming mga damit sa mga designers. Kung ang mga babae ay abala lang sa mga damit nila kami namang mga lalaki bukod sa damit na susuotin namin eh kailangan na rin naming mag-imbita ng babae na gusto naming makapartner sa gabing iyon.

Kung pwede nga lang si Julia ang isama ko sa event pihadong magiging masaya ako kaso dahil sa kami ang Love Team ni Kath dapat siya ang isasama ko dun.

Habang nag-aayos na kami ng mga gamit namin after dito sa Set lumapit ako kay Kath. Masama pa rin kasi ang loob niya sa akin ewan ko ba ganun ba siya naging kaapektado sa nangyari?

"Kath galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong ko naman sa kanya habang inaayos niya ang mga gamit niya.

"Sa tingin mo DJ? Kakausapin ba kita kung hindi ako galit sa iyo?"

"Kath ilang araw na ang lumipas, galit ka pa rin? Ano ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? Star Magic Ball na next week Kath kaya kailangan sa ayaw at sa gusto mo ako ang magiging partner mo"

"Edi okay, tayo ang magkapartner pero galit pa rin ako sa iyo" Umalis na siya kaya naiwan ako dun na nakatayo. Minsan talaga ang OA mag-react ni Kath parang ang hirap niyang magmove-on sa isang bagay. Ewan.

"DJ" Tawag naman sa akin ni Quen kaya tumingin ako sa kanya. "Kamusta na kayo ni Julia? Okay na ba?"

"Ahh oo okay na kami ni Julia ang totoo niyan hindi pala siya galit sa akin inakala ko lang pero okay na kami"

"Eh kayo ni Kath? Pansin ko kaming dalawa lang ni Khalil ang pinapansin niya bukod sa iyo"

"Galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon ewan ko ba dun kay Kath" Napailing na lang ako tapos nakita ko na parang napaisip si Quen.

"Bakit Quen?"

"Ahh wala, wala. Cge mauna na ako sa iyo ha. Siya nga pala sino kapartner mo sa event this Friday?

"Tinatanong pa ba yan?" Natawa naman siya.

"Oo nga pala si Kath nga pala partner mo. Ako kahit na gusto kong yayain si Julia as my date hindi pwede kasi may patpatin na nakatingin sa akin"

"Sinong patpatin?"

"Tinatanong pa ba yan?" Tumingin naman siya sa akin at teka ako ba ang tinutukoy niya na patpatin?

"Loko ka talaga! Balang araw magkakaroon din ako ng muscles noh! Cge na umuwi ka na at salamat dahil sa iyo okay na kami ni Julia"

"Wala yun basta kapag may problema kayo ni Julia asahan niyo na lagi akong makiki-alam dahil mahal ko si Julia. Cge uwi na ako" Tapos sumakay na siya sa kotse niya at nag-drive na papauwi.

Ako naman umuwi na rin. Matapos ang issue sa amin ni Julia wala ng mga bali-balita tungkol sa aming dalawa na may tinatagong kaming relasyon o ano. Mas pinaniwala namin ni Kath sa publiko na kaming dalawa lang talaga ang sabi ko nga kay Julia kung ano ang nakikita niya sa amin ni Kath para sa trabaho lang namin iyon at buti naman dahil understanding siyang Girlfriend para sa akin.

Nasa bahay na kaya si Julia? Matawagan ko nga. Malapit na kasi matapos ang Walang Hanggan last month na nila kaya busing-busy silang lahat. Ang Princess and I naman baka umabot pa daw hanggang 2013 ng February.

Julia: Hello?

Ako: Love! Ako toh si DJ. Nasa Walang Hanggan Set ka pa ba?

Julia: DJ parang ang sagwa naman ng Love pwede ba yung normal na lang like DJ and Julia wag ng Love? Tsaka oo nandito pa ako sa Set hassle nga dahil nawawala pa yung ibang script eh.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now