Chapter 57:❤️Heavy Rain

554 22 4
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌💌

-Julia Montes Point of View-

"Ate!" Niyakap naman ako ni Patrick pagkadating ko sa bahay. Hindi ko na kasi sila kasama dahil sa Condo na ako nakatira kasama si Quen. Pinayagan rin naman na ako ni Lola dahil 20 na ako at si Quen naman ay 24.

"Oh pasalubong ko sa inyo pasensiya na ngayon ko lang nadala may pinuntahan kasi ako kahapon" Pumasok na ako sa bahay namin at naupo sa may sala. Graduate na si Patrick at ngayon may trabaho na siya. Isa na siyang Nurse.

"Salamat ate alam mo bang matagal na akong nagca-crave tapos ngayon mo lang ibinigay?" Sinimulan naman niya itong kainin tapos binuksan niya yung TV.

"OMG! May teleserye kayo ni Kuya DJ?" Shock na shock naman na tanong niya dahil pagkabukas niyang ng TV pinalabas sa screen yung nangyaring Story Conference kahapon.

"Obvious ba?"

"Akalain mo nga naman ate. Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig nga naman oh" Napa-iling na lang ako, kahit kailan hindi na mangyayari yun.

"Walang tamis na mababalik sa aming dalawa Patrick. Iniluwa na nga niya ako dati diba? Tapos magiging kami pa ulit? Never mangyayari yun" Lalo na't araw-araw na kaming magkasama dahil sa serye namin na dalawa.

"Pero, may galit ka pa diyan sa puso mo ate?" Napa-isip naman ako. Oo meron pa kaya sa tuwing nakikita ko si DJ sobra akong naiinis sa kanya. Ngumingiti lang ako pero sa loob-looban ko gusto ko siyang saktan idagdag mo pa ang Girlfriend niya.

"Oo naman. Hindi naman ganun madali makalimot kahit 2 years passed na eh" Naikwento ko na kay Patrick yung nangyari kaya naiintindihan niya ako.

"Hayaan mo ate mawawala rin yang galit mo kay kuya DJ. Remember? Siya ang First Love mo? First Boyfriend mo pa and kung tutuusin sobra-sobra ang pagmamahal mo sa kanya. Gago nga lang si Kuya DJ at hindi ka pinakinggan"

Tama si Patrick napaka-gago nga ni DJ.

---

"Ano ba naman yan! DJ! Julia! Magkagalit ba kayo at ganyan ang ngiti ninyo sa isa't-isa? Muli ngang nagkita ang mga character ninyo kaya syempre masaya! Hindi yung pilit na ngiti!" Pang limang beses na take na toh for this first day.

Paano ko magagawa na ngitian si DJ yung hindi pilit? Yung walang galit dahil gago siya?

"Sorry po Direk Cathy" Sabi naman niya. Kailan ko kaya maririnig sa kanya yan? Yung tipong hihingi siya sa akin ng tawad?

"Okay, sorry if nasigawan ko kayo. Paano ba naman kasi First Day First Take naka-lima na agad tayo. Usually kapag kayo DJ ni Kath hanggang dalawa lang pero pag kayo ni Julia posibleng umabot ng Take 10 kung hindi ninyo aayusin. Ano ba DJ kinakabahan ka ba dahil si Julia na Leading Lady mo at hindi na si Kath? Pwes, masanay ka na dahil limang buwan tong Serye na toh and kapag kumita more than 5 months" More than 5 months? Kakayanin ko bang kasama si DJ? Sana, hindi kumita ang serye namin. Paano kikita kung galit na galit sa akin ang mga KathNiel Fans.

"Hindi ba't friends kayong dalawa? After 2 years ninyong hindi pagkikita dahil si Julia ay nasa Germany, hindi ka ba naging masaya DJ ng makita mo muli si Julia? At ikaw Julia, dahil Boy Bestfriend mo siya hindi ka ba masaya na makita ang kaibigan mo after 2 years? Kailangan kong makita yung ngiti. Yung ngiti na abot langit yung kitang-kita sa mga mata ninyo na tuwang-tuwa kayo na makita ang isa't-isa. Dito sa scene na toh kailangan niyong ipakita na may pagtingin pa rin kayo sa isa't-isa okay? Ganun ang character nina Shiela at Jericko" Napakagat na lang ako sa labi ko dahil medyo naiinis na ako. Sana hindi ko na lang tinanggap tong project na toh. First Day pa lang ang hassle na.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now