Chapter 40:❤️Teleserye Royals Concert P2

928 19 5
                                    

A Life In Star World

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Maaga kaming gumising na lahat dahil magkakaroon kami ng Interview dito sa may Balitang America. Pagdating namin dun inayusan kami ng kaunti para maganda daw kaming tignan sa may TV pagkatapos nun naupo na kami.

Sa may couch naka-upo sina Julia, Kath and Ate Angeline. Sa likod naman ako nakaupo kasama sina Quen, Khalil, Kuya Marcelito at Ate or Kuya Chokolait. Nakakainis nga kasi magkatapat sina Quen at Julia.

After 10 minutes nag-start na kami.

"Maganda umaga! Nandito po tayo ngayon sa ating Live Show na Balitang Amerika kasama ang mga casts ng mga teleseryeng talaga namang sinusubaybayan natin gabi-gabi. Syempre isa na diyan ang Princess and I na pinapangunahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Enrique Gil at Khalil Ramos. Next naman ang Walang Hanggan na pinapangunahan ni Julia Montes sayang hindi kasama si Coco Martin. At syempre kasama sina Angeline Quinto, Marcelito Pomoy at Chocoleit"

Nag 'Hi' at 'Hello' naman kami sa kanya. Pihadong magtatanong nanaman toh ng mga anong status niyo ni Kathryn nakakasawa na.

"May jetlag pa ba kayo?" Tanong naman nito sa amin. Umo-o naman kami sa kanya.

"Naku ganyan talaga kasi bilang artista kailangan ninyong magpasalamat lalo na't marami rin kayong mga fans dito sa may US. So let's start with you Kathryn mahirap ba na taasan ang ratings ng Walang Hanggan lalo na't palagi silang nasa Top 1? Mahirap bang maki-compete sa kanila? Nakakapressure ba o hindi mo na iniisip yun?"

"For me hindi ko po iniisip yun kasi kaibigan ko po si Julia and very proud ako dahil may Teleserye din siya. Kasi yung mga tao pinagcocompete kaming dalawa since Mara Clara Days so hindi ko po iniisip yan kahit na tapos na yung Teleserye nila ngayon" Sagot naman ni Kath. Totoo naman yun eh wala kaming inggitan o insecure na nararamdaman sa isa't-isa o ano.

"Okay. So kayo naman Enrique and Khalil at a very young age marami na kayong nagawa like isa kayo sa leading man ni Kathryn. Paano niyo nahahandle ang kasikatan?"

"Para sa akin po kung ano yung ginagawa ko tanggap ng tao and yung pag-act ko sa TV nagugustuhan nila kaya siguro yun ang paraan kung paano ko nahahandle ang kasikatan ko specially singing" Si Khalil naman ang unang sumagot.

"For me naman po just act natural sa harap ng TV hindi yung nagkukunwari ka lang para sumikat. Yung pag-arte ko bilang Jao sa Princess and I naging malaking part siya for my career kasi isa ako sa Lead Role hindi tulad dating na Cameo lang ako or supporting role lang hindi kagaya kasi dito sa serye na toh talagang naka-focus sa amin na apat so siguro dun ko nahahandle yun"

Pagkatapos sabihin yun ni Quen tumingin siya sa akin ng kaunti.

"Very nice answers. So ikaw naman Daniel naku I have to ask you this question kasi ito talaga ang tanong ng bayan, kamusta naman ang panunuyo mo kay Kathryn?" Sinasabi ko na nga ba eh. Yan tayo eh.

Ngumiti naman ako na parang kinikilig bago sumagot. "For me....hindi-hindi joke lang ano lang steady lang kami na dalawa"

"Steady as in kayo na parang ganun?"

"Hindi po kumbaga ginagawa ko muna siyang inspirasyon" Tumawa naman kaming lahat si Julia alam kong pilit lang ang ngiti na yun kaya alam kong nagseselos siya.

"Atleast diba yung hinahangaan mo katrabaho mo so may inspirasyon ka" Sabi naman ni Ate kaya ngumiti na lang ako.

"Ikaw naman Julia ngayong tapos na ang Serye niyo na Walang Hanggan syempre malungkot ka dahil may pinagsamahan na kayo diba? Wala man lang bang nabuo sa inyo ni Coco Martin kahit na unting tinginan mga ganun?"

A Life In Star World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon