Chapter 50:❤️HeartBreak

665 23 7
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Grabe ang sakit ng ulo ko pagka-gising ko nitong umaga at hindi ko alam kung bakit. Bumaba ako at naupo sa couch.

Ang huli ko lang na natatandaan kagabi eh yung nasa Thanksgiving Party ako ng A Moment In Time yun lang. Pero teka, paano ako naka-uwi rito?

"Oh ate gising ka na pala. Sakto pinagtimpla kita ng kape oh" Lumabas naman si Patrick sa kusina at inabot sa akin yung kape.

"Salamat. Teka, paano nga pala ako naka-uwi rito kagabi?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ano pa nga ba. Hinatid ka dito ni Kuya Quen dahil nalasing ka nanaman daw" Nalasing ako kagabi? Pero paano? Wala talaga akong maalala.

"Ganun ba?" Yun na lang ang nasabi ko.

Napatingin ako sa orasan at halos hapon na pala. Ganun katagal ang tulog ko dahil sa dinulot sa akin nung alak.

Naligo na muna ako ng medyo mahimasmasan ako. Pagkatapos kong maligo nag-ayos agad ako ng sarili ko sa harapan ng salamin hanggang sa nag-ring ang phone ko.

"Hello?"

(Magkita tayo sa Secret Place natin ngayon)

"DJ?! Nandito ka na?!"

(Hihintayin kita dun)

:Call Ended:

Bakit parang iba ang pananalita ni DJ? Parang wala siya sa mood? May nangyari ba? Dinala ko ang mini bag ko at pumunta na dun sa Secret Place naming dalawa.

Pagkarating ko dun nakita ko siya na nakatayo at may hawak-hawak siyang brown envelope.

Unti-unti akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Pero imbis na siya ang magulat ako ang nagulat dahil medyo tinulak niya ako.

"Hindi kita pinapunta dito para masolo kita" Yan ang una niyang sinabi sa akin. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Kanina nung tumawag ka sa akin iba yung pananalita mo. May problema ka ba?"

"Problema?! Ikaw ang problema ko! Anong ginagawa mo habang wala ako dito ha?! Nakikipaglandian sa iba?!" Malipas ang ilang buwan ngayon ko lang siya ulit nakita na nagkakaganyan.

"Ano bang sinasabi mo DJ? Anong lumalandi? Babalik nanaman ba tayo sa dati ha?"

"Hindi tayo babalik sa dati kung hindi ka lumalandi!"

"Lumalandi?! Alam mo DJ hindi kita maintindihan"

"Hindi pala lumalandi ah?! Anong ibig sabihin nito?!" Binato niya sa harapan ko yung brown envelope kaya nahulog ito sa damuhan. Kinuha ko naman ito at binuksan. Nagulat ako ng nakita ko ang sarili ko sa larawan at si Quen. Hinahalikan ko si Quen.

Teka, naaalala ko na ang lahat kaya ako nalasing dahil namali ako ng inom. Lumabas ako para mag-CR at may lalaki sa harapan ko na pinagkamalan kong si DJ kaya ko siya hinalikan pero si Quen pala yun kaya pala siya ang naghatid sa akin kagabi sa bahay ko.

"Speechless ka Julia ah. Bakit? Dahil totoo ang sinasabi ko hindi ba?!"

"DJ. Hayaan mo akong makapagpaliwanag"

"Magpaliwanag? Alin diyan sa larawan na yan? No need Julia. Dahil sa larawan pa lang na yan malinaw na malinaw na sa akin ang lahat!"

"DJ. Nagkakamali ka"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now