Chapter 12:❤️Broken-Hearted

1.1K 26 0
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Uhmm......" Habang nakapikit ako bumangon ako sa may kama.

"Aray!" Pagkabangon ko bigla akong nakaramdam ng sakit sa ulo ko dahilan para mapamulat ang mga mata ko.

"Teka nasaan ako?" Iginala ko ang mga mata ko sa kwartong ito. Unfamiliar....Nasaan ba ako? Kinidnap ba ako? Anong mga nangyari kagabi? Ba't ang sakit ng ulo ko?

"DJ! Gising ka na ba?" Bigla ko namang narinig ang boses ni Julia. Teka boses nga ba niya? Nananaginip ba ako? Nasaan ba kasi ako? Ba't parang wala akong maalala?

"Julia!" Bumukas ang pinto at nakita ko si Julia na may bitbit na tray. Mayroong almusal para sa akin.

"Buti gising ka na. Kain ka muna ipinagluto kita ng almusal"

"Uhm...Julia pwede bang paki-explain kung anong ginagawa ko dito?"

"Iexplain? Long story eh cge ibubuod ko na lang. Kahapon kasi pumunta tayo sa Club niyaya tayo ni Quen kasama pa nga si Kath and then pumunta kami sa kwarto pero wala ka sabi ni Kath kaya ayun kaming tatlo lang. Tapos pagkatapos namin ni Quen sa may room nakita namin kayo ni Kath na nasa baba lasing na lasing ka na. Bakit? May problema ka ba?"

Sa sinabing yun ni Julia naalala ko halos lahat. Simula nung nasa bahay kami hanggang dun sa may Club. Kaya siguro nakalimutan ko dahil sobrang nalasing ako. Teka first time kong maglasing ng ganito dahil sa kanya.

"Wala naman at kung meroon man sana malimutan ko na lang. Yung hinanda mong almusal sa akin ikaw na lang ang kumain uuwi na ako. Salamat"

"DJ, kahit itong gatas lang inumin mo para may laman tiyan mo"

"Hindi na okay lang. Salamat ulit" Sabi ko at lumabas na ako ng kwarto. Ewan parang nainis ako kay Julia.

Pagkababa ko nakita si Lola Flory nagtitiklop ng mga damit. Lumapit naman ako sa kanya at nag-mano.

"DJ! Gising ka na pala kinain mo ba yung hinanda ni Julia para sa iyo?"

"Naku! Hindi na po nagtext po kasi si mama baka magalit po yun pag hindi ako nakauwi. Salamat na lang po ha. Cge po alis na ako"

Naglakad na lang ako para makapagisip-isip sa mga nangyari kagabi. Grabe akala ko pagkapasok ko sa room na yun nagkakasiyahan lang silang tatlo yun pala may gagawin si Quen na surpresa para kay Julia katulad nung akin. Nakakainis! Sa dinami-dami ng pwede niyang gawing surpresa kay Julia ganun po. Nagkataon lang kaya yun o kinopya niya lang yung akin? Tsk! Nasayang ang lahat-lahat.

Oo nga pala yung necklace hindi ko rin nakuha sa drawer anong malas ba meron ako?

Habang naglalakad ako bigla namang nag-vibrate phone ko. Si Kath pala.

From: Kath

DJ okay ka lang ba? Nakauwi ka na ba?

Okay rin si Kath kasi eh noh para siyang Girlfriend ko pero hindi kaibigan ko lang siya. Kung si Kath siguro una kong nakita magugustuhan ko siya ang kaso mas nauna si Julia kaya siya ang gusto ko.

Nireplayan ko lang siya na okay lang ako at pauwi na ako sa bahay. Sana nga lang pagdating ko wag akong sermunan ni mama para kasing mega phone yun kapag nagagalit sa akin.

Malipas ang ilang minuto ayan na ang bahay namin. Sana wag akong pagbungangaan at teka yung bibig ko pala amoy alak pa paano kung maamoy ni mama edi mas lalo akong pagbubungangaan nun. Dapat pala nagtoothbrush muna ako o uminom ng tubig para mawashed-out yung amoy.

A Life In Star World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon