Chapter 51:❤️Because of Love

655 27 6
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

"Oh Mara bakit hindi ka kumakain? Lalamig na yang pagkain mo" Sabi sa akin ni Lola.

Kanina ko pa pinaglalaruan tong pagkain ko at halos nakatulala sa hangin.

(Anong ginawa mo dito habang wala ako ha?! Nakikipaglandian sa iba?!)

(May landi ka rin palang taglay diyan sa loob-looban mo)

(Kung sino yung mga may maaamong mukha sila yung mga babaeng malalandi)

Sa tuwing naaalala ko yung mga sinasabi niya sa akin bigla na lang akong napapaluha. Wala eh, mahal ko si DJ tapos nanggaling sa mismong bibig niya ang mga salitang yun.

Ganun ba talaga tingin niya sa akin? Na malandi ako? Sa tingin niya ba gusto ko yung nangyari sa larawan na yun?

Pinunasan ko yung luha ko at medyo tumungo nang hindi mapansin nina lola at ng mga kapatid ko na nasa sala kung sakali man na pumunta ang isa sa kanila dito.

Sa mga sumunod na araw halos hindi ako nakakapag-concentrate sa mga lines na kinakabisa ko para sa serye na ginagawa ko. Imbis na magalit ako ng sobra may parte sa akin na nalulungkot ako at nanghihinayang. Siguro kung hindi ko pinagkamalan si Quen na si DJ hindi mangyayari toh.

Pero ang malaking tanong sa akin ay kung sino ang kumuha ng litratong yun at nagpadala kay DJ? Malakas ang kutob ko na isa siyang tao na gustong sirain ang relasyon naming dalawa. Hindi ko na kailangan sabihin ang pangalan dahil sa isip ko pa lamang alam ko na kung sino siya.

-Kathryn Bernardo Point of View-

"DJ! Mag-kape ka na muna oh" Binigay ko naman kay DJ yung kape at naupo ako sa tabi niya. May Movie kami na ginagawa at ang title nun ay Must Be.....Love. Nandito kami ngayon sa Cebu para sa shooting.

Napatingin naman ako sa mukha ni DJ, parang biglang nagbago ang aura niya simula ng maghiwalay sila ni Julia. Pero alam ko naman na kapag naging kami na babalik na siya sa dati na masayahin na DJ at palabiro. Siguro mawawala rin si Julia sa isip niya kung papalit ako at sisiguraduhin ko na pasasayahin ko siya.

Nanliligaw na sa akin ngayon si DJ pero syempre hindi ko na muna siya sasagutin kasi sabi sa akin ni mama kapag 18 na ako tsaka ko lang siya sasagutin. Pero 1 year na lang naman mabilis na yun.

Dahil Summer ngayon sobrang init at dahil last day na ng shooting namin dito at nasa tapat pa kami ng dagat talagang ramdam namin ang init.

"Shiela paki-payungan naman ako oh" Sabi ko dun sa P.A. ko. Para kahit papa-ano hindi ako maarawan.

"Grabe init noh?" Tanong sa akin ni DJ tumango naman ako. Hinawakan ko siya sa kamay habang inaayusan ako nung Hairstylist.

Naramdaman ko na parang tumatama nanaman sa balat ko yung sinag ng araw pagtingin ko hindi na ako pinapayungan ni Shiela kaya naman nag-init ang dugo ko.

"Diba sabi ko payungan mo ako?!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Mam pasensiya na po inaayos ko lang po tong gamit ninyo" Paawa naman niyang sabi sa akin.

"Bakit?! Pinapa-ayos ko ba yan?! Hindi naman diba?! Ang sabi ko payungan mo ako! Ang init-init, nakikita mo naman diba?!"

"Mam pasensiya na po"

"Pasensiya?! Mapapalamig ba ng pasensiya mo ang panahon?!" Hinawakan naman ako ni DJ sa braso ko para mapakalma ako. Dala na rin siguro na may period ako at init ng panahon kaya ganito ang mood ko.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now