Chapter 44:❤️I Love You

770 20 6
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

December 9, 2012

Reporter 1: Kahit po ba magkapatid ang role ninyo ni Enrique Gil may posibilidad po ba na mainlove kayo kay Enrique Gil?

Napatingin naman ako kay Quen na nakangiti pero hindi nakatingin sa akin. Ilang beses na ba itong natanong sa akin since napalabas ang The Reunion? Magkapatid na nga role namin dito may ganyang tanong pa sila.

"Ahh, hindi ko alam. Pero siguro, pwede. Hindi naman natin yan masasabi" Yan na lang ang isinagot ko. Minsan ayokong sumagot ng tapos na oo dahil ang totoo hindi naman talaga kami magiging ni Quen dahil MU na kami ni DJ. Ayokong paasahin yung mga JulQuen Fans namin.

Reporter 2: Kayo po Enrique Gil, may posibilidad po ba na mainlove kayo kay Julia Montes?

Nagtilian naman ang mga fans namin na naririto ngayon. Kung kay Quen may posibilidad para sa akin naman pwede rin dahil mabait siya and he has the looks pero si DJ na kasi ang nagmamay-ari ng puso ko.

"Well, uhh....For me oo. May possibility na mainlove ako kay Julia Montes kasi sa lahat ng Leading Lady ko from the start siya yung tipo ng babae na walang arte, she will give you some advices kapag may problema ka, natural lang yung kilos niya at hindi yung pilit or scripted katulad nung iba kaya masasabi ko na maiinlove ako sa kanya. Kung may makakapartner man ako na iba in the future siya pa rin yung favorite kong Leading Lady sa lahat" Ang haba ng sagot ni Quen pero sa akin maikli lang siguro dahil sa hindi ko siya gusto at siya gusto niya ako.

Pati yung ibang casts na kasama namin dito kinikilig rin sa amin. Nauna yung taping ng The Strangers at ngayong December 25 na siya ipapalabas. Ewan ko ba kung bakit sila gumagawa ng Horror Movie eh pasko naman.

Reporter 3: Enchong, nagseselos po ba kayo ngayon?

"Hindi kasi para sa akin bagay naman talaga sila and perfect sila. Tsaka yung amin ni Julia matagal ng ano wala yun" Wala naman talagang namagitan sa amin ni Enchong eh ginamit lang nila ako para mawala na ang LoveTeam nila ni Erich dahil ayaw niya ng makapareha ito.

After ng presscon nag pakain ng unti ang Direktor nito syempre sumama kaming lahat. Habang kumakain kami nag-text sa akin si DJ.

From: DJ

Nasa Presscon ka pa ba? Gusto mo mamaya pasyal tayo?

Pasyal? Hindi rin nag-iisip itong si DJ eh baka mamaya niyan may makakita sa aming dalawa. Ma-issue nanaman kami at maka-receive nanaman ako ng mga sweet messages sa mga KathNiel Fans nila.

Speaking of Fans hindi na kami magkaibigan ni Kath kapag nasa harap kami ng TV tingin ng mga tao Bestfriends kami kaya kailangan naming sakyan yun pero kapag off cam hindi na kami nagpapansinan unlike dati.

To: DJ

Saan naman?

From: DJ

Okay I change my mind hindi na lang tayo mamamasyal. Punta ka na lang sa Fresh Garden. Alam mo naman kung nasaan yun diba? Punta ka dun ng mga 8:00 ng gabi okay?

Ano naman gagawin namin dun? Magsisight-seeing nanaman ng mga bituin? Di bale kahit ano man ang gawin namin basta kasama ko siya okay lang.

To: DJ

Cge. See you. :)

Napangiti na lang ako habang hawak-hawak ko ang phone ko. Tumabi naman sa akin si Quen at kumakain naman ngayon siya ng cake. Kanina pa siya kain ng kain.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now