Chapter 64:❤️End

691 29 3
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Bakit kaya hindi ako tinatawagan o tinetext man lang ni DJ? 2 days na akong nandito wala man lang siyang paramdam sa akin. Sabi niya sa akin mahal niya pa ako pero nasaan na siya? Nagbago na ba isip niya kung kailan parehas na kaming malaya?

Tinext ako ni Quen na pumunta sa pinagkitaan namin nung maghiwalay kami nandito na ako pero nasaan na rin siya?

Tinext ko si Kath baka sakaling pwede niya akong samahan wala rin siyang reply. Galit na ba mundo sa akin?

Habang naglalakad ako dito sa napakalawak at napakalaking Garden at kinukutkot ang phone ko may narinig akong isang kanta. Wala pa man ding lyrics alam kong Kay Tagal Kitang Hinintay ang kanyang iyon.

Wala namang katao-tao bukod sa akin dito pero saan nanggagaling yung tugtog?

Maya-maya pa nagulat na lamang ako ng makita ko si DJ kasama ang Parking 5. Bakit hindi ko napansin? Hanggang sa nakita ko yung malaking takil sa damuhan mukhang ito yata yung narinig ko na bumagsak kanina.

Tapos nakita ko na nagsilabasan ang media at nagsimula akong kuhanan. Teka ano toh?

Nakita ko rin sina Kath at Quen nakangiti sa akin. Ano bang nangyayari dito? Bakit ang daming tao? Maging sina Lola Flory na dito tsaka si Patrick.

Bumaba naman si DJ sa mini stage at lumapit sa akin at alam ko na ang gagawin niya. Haharanahin nanaman niya ako.

"Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalawa'y

Maghahasik ng kaligayahan

Bitawan mong unang salita

Ako ay handa nang tumapak sa lupa"

Kasabay ng pagkanta niya hinawakan niya ang kamay ko at nilakad-lakad dito sa gitna dahil nasa gilid ang mga manonood namin.

"Tapos na ang paghihintay nandito ka na't

Oras ay naiinip magdahan-dahan

Sinasamsam bawat gunita

Na para bang tayo'y di na tatanda"

Hay nagiging iyakin nanaman ako dahil sa ginagawa niya. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya sa ginagawa niya ngayon.

"Ligaya mo'y nasa huli

Sambit na ng iyong mga labi"

Niyakap naman niya ako at nagsigawan sa sobrang kilig ang mga taong nasa paligid namin. So kaya pala ako tinext ni Quen na pumunta dito dahil dito magaganap ang hindi ko inaasahan? At kaya pala hindi nagrereply sa akin si Kath eh dahil nandito rin siya.

"Parang isang panaginip

Ang muling mapagbigyan

Tayo'y muling magkasama

Ang dati ay balewala"

Napagbigyan nga ulit kami ni DJ ng tadhana ng isa pang chance eh at sinisiguro ko na sa muling chansa na ibinigay sa akin hinding-hindi ko na pakakawalan pa.

"Nagkita rin ang ating landas wala ng iba

Akong hiniling kundi ika'y pagmasdan

Mundo ko'y 'yong niyanig

Oh anung ligayang ika'y sumama sa akin"

Napatingin ako sa kapatid kong si Patrick ng magsisisigaw ito. Napaka-OA talaga ng kapatid ko kahit kailan mas tuwang-tuwa pa sa akin eh. Siya na lang kaya dito.

A Life In Star World [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora