Chapter 23:❤️Midnight Date

1K 29 4
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Nang makalabas na si Julia sa may bahay nila pinagmamasdan ko siya habang papalapit sa akin. Simula ulo hanggang paanan niya sobrang perfect.

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan DJ" Sabi naman niya. Sus nahiya pa sa akin.

"Hayaan mo ako na tignan ka kasi alam mo na masyado kang biniyayaan ng diyos ng kagandahan kaya kita minahal"

"Alam mo kanina mo pa ako hinihiritan. Saan ba kasi tayo pupunta?" Ganyan yan kapag kinikilig iniiba ang usapan.

"Basta" Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok na siya. Syempre ako rin pumasok na sa kotse ko ay ni mama pala hiniram ko lang kasi toh.

"Ilang oras ang tinagal ni Quen sa set ninyo?"

"Uhmmmm.....mga limang oras din. Ang sabi niya kasi namiss niya raw ako kaya habang nagtatake kami nanonood siya. Nag cheer pa nga siya after ng scene na umiyak ako kasama si ate Melissa"

"Ganun? Boyfriend lang ang feeling niya?"

"Parang ganun na nga. Biruin mo hindi siya nahihiya habang nagchecheer siya sa akin. Niloloko pa nga kaming dalawa dun sa set eh bagay daw kami kaming dalawa sobra at....." Napahinto siya pagkwekwento dahil napatingin siya sa akin. Yung itsura ko parang sinasabi na tama na ang kwento at nagseselos na ako.

"Uhmmm. Yun yung mga nangyari kanina nung pumunta siya"

Pagkatapos nun may katahimikan na namagitan sa amin.

"Sino mas gwapo ako o si Quen?" Tanong ko naman after a minute of silence.

"Huh? Bakit?"

"Sagutin mo na lang tanong ko"

"Si Quen"

"Ano? Si Quen?"

"Oo kasi para siyang Prinsipe"

"Ahh so parang alila niya lang ako ganun?"

"Hindi ibig kong sabihin gwapo si Quen kasi mukha siyang prinsipe eh ikaw kasi moreno ka. Pero hindi porket pinili ko si Quen na mas gwapo sa iyo eh mahal ko siya. Ikaw ang mahal ko kahit mas gwapo si Quen sa iyo okay?"

"Oo na. Si Quen na mas gwapo sa akin pero ako naman prinsipe mo diba?"

"Oo naman. Teka andito na ba tayo?" Hininto ko na kasi yung sasakyan.

"Oo nandito na tayo tara baba na tayo" Bumaba na kaming dalawa.

Dinala ko kasi siya sa isang lugar na hindi matao ng ganitong oras kaya dito ko siya dinala at wala naman sigurong paparazzi sa ganitong oras.

"Wow! Ang ganda naman dito" Sabi naman niya.

"Syempre dadalhin ba naman kita sa isang lugar na pangit?" Sabi ko habang papaakyat kami sa may bridge at huminto sa may gitna.

"Ang daming mga bituin oh" Sabi ko naman sa kanya sabay turo sa may itaas.

"Tara mag wish tayo baka tuparin ng mga bituin" Napatingin naman ako kay Julia.

"Bakit pa ako magwiwish kung nasa tabi ko na ang hihilingin ko?" Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago mag break ang titigan namin.

"Ikaw talaga. Kung nasa tabi mo na yung hiniling mo edi ako na lang magwiwish" Sabi naman niya sabay pikit.

"Ano namang hiniling mo?"

"Na sana makita ko na ang papa ko. Ilang taon na nga ba ako? 17, bali 17 years ko na siyang hindi nakikita at hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya" Nalungkot naman ang mukha niya.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now