Chapter 13:❤️ASAP Day

1.1K 27 3
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Nagseselos kasi ako eh"

Wait......anong sinabi ko nagseselos ako? Teka mukhang nasabi ko yata yun gamit ang bibig ko dapat sa utak ko lang talaga yun eh. Nagkaroon tuloy ng silence sa pagitan namin. Aish.....anong gagawin ko?

"Uhm....ibig kong sabihin nagseselos si Kath kasi masyado kayong sweet ni Quen kanina kaya niyaya niya muna ako sa may Dressing Room"

"Ganun ba? Nasaan siya? Alam mo naman ayokong nagtatampo sa akin ang Bestfriend ko. Si Kath talaga"

"Sumunod ka na lang sa akin" Pagkatalikod ko papunta sa may Dressing Room napapikit ako ng mata at napakagat ng labi. Phew! Muntik na yun ah.

"Hi Kath!" Sabi naman ni Julia pagkapasok namin sa may Dressing Room.

"Oh! Hi Julia!"

"Wag ka ng magselos please? Close lang talaga kami ni Quen kaya kami magkasama kanina" Napakunot noo naman si Kath at napatingin sa akin na parang nagtatanong.

"Ano ka ba! Hindi ako nagseselos noh!" Buti na lang marunong makiride-in itong si Kath.

"Thank you!"

"Siya nga pala" May kinalkal naman si Kath sa may bag niya.

"Gift ko for you diba sabi ko sa iyo ibibigay ko ngayong Sunday sa ASAP?"

"Wow, salamat ah" Binuksan naman iyon ni Julia at napangiti siya.

"Ang ganda nito Kath hayaan mo isusuot ko ito mamaya sa Prod namin"

"Cge. Yan pinili ko kasi naisip ko bagay yan sa iyo. DJ hindi mo ba ibibigay ang regalo mo kay Julia?"

Napagdesisyunan ko ngang wag na lang ibigay eh. Ibibigay ko na lang kay Kath o sa kapatid ko.

"Regalo? Wala akong regalo yung regalo ko eh yung pagpunta ko dun at sa pagtulong ko sa paggawa ng mga cupcakes"

"Okay lang yun Kath ano ka ba. Cge labas na ako. Maiwan ko na kayo salamat Kath!" Tapos lumabas na siya Julia. Babalik na siyuro yun sa tabi ni Quen.

"Ano yung sinabi mo?" Tanong naman ni Kath.

"Huh?"

"Nilagay mo ako sa isang sitwasyon na hindi ko alam. Anong nagseselos ako? Sinabi mo na nagseselos ako nung makita ko silang dalawa ni Quen?"

"Hindi yun kasi tinanong niya ako kanina kung bakit daw hindi natin sila tinabihan duon eh yung dapat nasa isip ko nasabi ko yun yung nagseselos ako sa kanila"

"Ahh....kaya ang sinabi mo ako ang nagselos?"

"E-hehe sorry....piece?"

"Oo na lang DJ....Oo na lang...."

"Teka alam ba ni Julia na may gusto ka kay Quen?"

"Hindi"

"Kaya pala sinabi niya na may chance si Quen sa kanya"

"Hayaan mo na yun crush ko lang naman si Quen hindi pa naman napupunta sa point na nasa MAHAL STAGE na. Crush lang as in pwedeng mawala at mapalitan diba?"

"Kung mawawala sino namang papalit?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ewan.....marami naman diyan sa tabi-tabi eh"

"Ano bang type?"

"Ba't mo naman tinatanong?"

"Wala naman"

A Life In Star World [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن