Chapter 53:❤️Let Me Love You

583 26 4
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Nandito ako ngayon sa may Park. Ang ganda dito sa Germany sariwa ang hangin at parang sa Pilipinas lang ang babait ng mga tao at ang fe-friendly nila sa mga turista nila katulad ko.

Isang linggo na ako dito sa Germany at unti-unti na akong nasasanay. At kahit isang linggo na ako dito hindi pa rin ako nakakalimot sa mga nangyari.

Noong isang araw habang naglalaptop ako may isang article akong nabasa about sa KatNiel na matagal ng In a Relationship. Sabi ni DJ sa article na yun si Kath na daw ang babaeng panghabang-buhay niya.

Sabi niya sa akin ako ang magiging babae niya sa habang-buhay at wala ng iba pero ito siya ngayon sinasabi na si Kath ang mamahalin niya sa habang-buhay.

Tinatanong ko nga ang sarili ko kung kaya kong mag move on. Totoo nga ang sinasabi ng mga tao ang dali sabihin ng salitang Move On pero ang Hirap Gawin.

Sapat nga ba ang dalawang taon para makalimot ako?

-Daniel Padilla Point of View-

"Hawakan mo sa bewang si Kathryn. Yan! Perfect! Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Isa pang shot"

Pagkatapos ng shot na yun nagpalit na ulit kami ng damit ni Kath at nagpahinga kahit nakatayo ka lang dun at nakangiti habang kinukuhanan kayo nakakapagod pa rin.

"Kath tubig oh" Inabutan ko naman si Kathryn ng tubig.

"Sweet naman ng Boyfriend ko. Thank you!"

Kami na ni Kathryn at kahit hindi pa siya 18 kami na. Ang totoo niyan nagulat si Kathryn ng sabihin ko na kami na. Sabi niya kasi patunayan ko na mahal ko siya at hindi lang rebound kaya ayun inanunsyo ko sa TV na kami na ng hindi niya alam kaya nasupresa siya.

Hindi ko alam kung ano ang naging reaction ni Julia dun pero isa lang ang masasabi ko, wala akong pake sa mararamdaman niya kahit kailan.

Ilang araw ko na ngang hindi nakikita ang babaeng yun pero siguro masaya na siya kasama si Quen. Si Quen naman bibihira ko na lang rin makita dahil wala naman siya ganun karaming projects na ginagawa unlike namin ni Kathryn na mas lalong sumikat ng maging kami at nalaman ng mga tao.

"Lalabas muna ako ah? Magtatanong ako sa Staff kung may nakita silang itim na jacket kasi naiwan ko yun sa labas nung naghihintay tayo" Paalam ko naman kay Kathryn.

Nang maging kami asikasong-asikaso niya ako na para ko siyang asawa. Ang sarap palang magmahal ng isang Kathryn Bernardo hindi ko alam.

"Sige" Matipid naman niyang sagot.

"Nasaan na ba yun?" Tanong ko naman sa sarili ko. Papasok sana ako sa loob ng isang Dressing room para magtanong sa dalawang staff na nanduon pero napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ni Julia. Mukhang pinag-uusapan siya ng dalawang ito.

"Talag? Nasa Germany si Julia Montes?"

"Oo, ang balita magpapahinga daw siya dun pero walang sinabi kung kailan babalik"

Nasa Germany si Julia? Ano namang gagawin niya dun? Kasama niya kaya si Quen dun at sinosolo nila ang isa't-isa? Kaya ba parehas ko silang hindi nakikita? Ayos ah.

Napa-iling na lang ako at bumalik sa loob.

"Oh okay ka lang ba?"

"Oo. Tara na tawag na tayo ni Direk"

A Life In Star World [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz