Chapter 24:❤️Chances Back

1K 27 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Hay nakakainis si DJ paano ba naman kasi ninakawan ako ng halik, dalawang beses yun. Kapag nagkita kami hahampasin ko ulit yun ng malakas. Nakakainis siya hindi siya makapaghintay. Kailangan kong mag-ingat kapag kasama ko siya baka nakawan nanaman ako ng isang yun.

Bigla namang nag-vibrate phone ko. Nag-text si Quen.

From: Quen

See you tomorrow...😘

Oo nga pala may lakad kami bukas ni Quen. Yun na rin yung time na sasabihin ko sa kanya na binabawi ko na yung chance na binigay ko sa kanya.

~~~

Ang hilig talaga akong dalihin ni Quen sa mga mamahaling restaurant. Sa Aracama Restaurant niya kasi ako dinala dito sa may Fort Bonifacio pero nag-rent siya ng isang room para sa aming dalawa para walang makakakita sa amin.

"Do you like here" Tanong naman niya sa akin.

"Oo maganda dito kaya lang mukhang sa mahal na restaurant mo nanaman ako dinala"

"Eh saan mo ba gusto?"

"Kahit sa Jolibee o McDo na lang sana mas okay pa dun mura pa"

"Yan ka nanaman eh. Mura nga duon kaso makakakain ba tayo dun ng maayos? Tsaka wala namang mga rooms duon na pwedeng I-rent para sa ating dalawa lang atleast dito pwede"

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Ewan ko pero parang kinakabahan ako na sabihin sa kanya yung dapat kong sabihin. Mukha siyang masaya ngayon dahil kasama niya ako pero paano pag nasabi ko na? Pihadong magiging malungkot siya. Isa pa naman si Quen sa mga kaibigan ko na ayaw kong nakikitang malungkot lalo na't cute siya kapag nakangiti tapos biglang mawawala dahil sa akin. Ang tanga ko rin kasi eh.

"Uhmmm....Quen tutal nandito na tayo may gusto sana akong sabihin sa iyo" Kinakabahan talaga ako. Sorry Quen kailangan eh.

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa ating dalawa"

"About us?"

"Oo.... Quen kasi wag ka ng pupunta sa set namin sa Walang Hanggan"

"Bakit?"

"Kasi yung chance na binigay ko sa iyo binabawi ko na yun"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Nalungkot mukha niya at medyo napatungo.

"Bakit mo sinasabi yan? May mahal ka na ba?"

"Uh.....oo Quen meron na akong mahal"

"Talaga sino?" Yung mukha ni Quen para siyang nanunubok kung sino ba yung tinutukoy ko.

"Uhmm.....Kailangan ko pa bang sabihin?"

"Oo nang malaman ko kung ano ang nakita mo sa kanya. Sino ba yan? Si Enchong?"

"Quen walang namagitan sa amin ni Enchong noon dahil lang yun sa kanilang dalawa ni Erich kaya ako yung napili na iintriga sa kanya"

"Kung hindi si Enchong sino?"

Sasabihin ko ba kung sino? Pag sinabi ko bang si DJ magagalit siya? Hay buhay...anong gagawin ko?

"Kung hindi mo masabi kung sino yan....ewan ko na lang. Pero sana kung sino man yan sana hindi siya ka-close friend ko dahil kung nagkataon kakalimutan ko ang pinagsamahan namin" Tumayo na siya at paalis na sana pero lumingon muna siya sa akin at sinabing.....

A Life In Star World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon