Chapter 52:❤️Moving On

613 22 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"DJ, DJ gising na 9:00 ng umaga at hindi ba't may photoshoot ka ngayon? DJ gumising ka na diyan!"

Nagising ako sa maagang pambubulabog sa akin ni mama. At pagdilat ko bigla na lamang sumakit ang ulo ko. Naamoy ko ang sarili kong hininga, amoy alak nakalimutan ko uminom nga pala ako kagabi.

"Oh ano masakit ang ulo mo? Ayan ang napapala ng isang taong umiinom. Hinatid ka ni Kath dito kagabi kahit hatinggabi na yun DJ, hindi ka man lang nahiya dun sa tao"

Hinatid ako ni Kath kagabi? Nabuhat niya ako?

"Talaga?"

"Oo. Kaya humingi ka ng tawad dahil naistorbo mo siya at salamat dahil hinatid ka niya dito. Sige na bumangon ka na diyan at baka malate ka sa photoshoot mo. Sabi sa akin ng Manager mo sa Quezon daw yun pagkababa mo kopyahin mo na lang yung address sa phone ko. Inaasikaso ko rin ang mga kapatid mong babae na papasok sa School"

Lumabas na si mama sa kwarto ko at ako naman bumangon na. Paano nga pala nalaman ni Kath na nandun ako sa Bar na yun?

Pagkatapos ng photoshoot ko ngayong araw dumiretso ako sa bahay ni Kath.

"Talaga po? Wala po si Kath? San po siya nagpunta?" Tanong ko naman kay Tita Min. Nakita kong sumilip siya sa loob at humarap sa akin.

"Uhh ano kasi pinuntahan niya yung kaibigan niya na may sakit sa hospital kaya wala siya dito" Sa sagot ni Tita Min parang itinatago niya si Kath. Alam kong nasa loob si Kath dahil sumilip si Tita Min bago sumagot.

"Ganun po ba? Paki-sabi na lang po sa kanya na nagpunta ako tsaka paki-sabi na rin po sa kanya na tawagan po ako kapag dumating na po siya"

Nginitian ko si Tita Min at sumakay na ako sa kotse ko pauwi.

-Kathryn Bernardo Point of View-

"Bakit ba ayaw mong kausapin si DJ? Nagkatampuhan ba kayo?" Naupo naman sa tabi ko si mama. Nandito kasi ako sa sala at ngayon-ngayon lang pumunta si DJ pero sabi ko kay mama sabihin na wala ako.

"Wala naman po ma" Pagsisinungaling ko naman.

Kagabi natuwa ako dahil hinalikan ako ni DJ kahit hindi ko inaasahan na gagawin niya yun pero yung sumunod na sinabi niya na mahal na mahal kita.....mahal na mahal kita Julia.....arang nawasak yung puso ko.

Alam kong nililigawan niya ako at parang ginagawang rebound sa relasyon nila pero sana wag niya ng ipaalam yun. Pasasayahin ko naman siya eh.

Nakakahiya kay mama umiiyak ako ngayon sa harapan niya. Ganito pala pakiramdam kapag hindi ka kayang mahalin ng mahal mo at ginagawa ka lang na rebound.

"Wala nga ba talagang problema anak? Sabihin mo sa akin nandito lang ako" Pinunasan ko naman ang luha sa mga mata ko.

"Ma, mahal ko po si DJ. Mahal na mahal ko po siya" Sabi ko habang umiiyak. Hinawakan naman ako ni mama sa likod at hinimas-himas ito.

"Ngayon?"

"Pero, si Julia po yung mahal niya kahit na hiwalay na po sila" Nakita ko yung reaction ni mama parang medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Si Julia?"

"Opo. Mahirap mang intindihan ma pero nagkaroon po sila ng relasyon pero kahit hiwalay na sila mahal pa rin po ni DJ si Julia. Ang sakit ma, ang sakit-sakit"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now