Chapter 60:❤️Stuck

412 19 1
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

"Ako na pong bahala sa kanya. Maraming salamat po ulit" Tinignan ko naman si DJ na walang-malay. Alam kong hinang-hina na siya pero nagtataka ako kung bakit nandito rin siya sa gubat.

Siguro tatanungin ko na lang siya bukas. Nakita ko naman na medyo gumalaw siya at nagmulat ng mata.

"DJ! Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?" Sinubukan naman niyang tumayo pero napa-aray siya.

"Naku! May sugat ka sa likod ng binti mo" Dahil medyo tumaas ang damit sa likod niya nakita ko na may galos rin siya.

"Teka may galos ka sa likod mo. Ano bang nangyari sa iyo DJ? Nahulog ka ba?" Hindi ko alam pero sobra talaga akong nag-aalala sa kanya.

"Nahulog ako kasi sa sobrang pag-aalala ko sa iyo" Napahinto naman ako. Ano daw?

"Ano?"

"Narinig ko kasi yung sinabi ni Direk na nawawala ka raw kaya kumaripas ako ng takbo papalabas kahit na malakas ang ulan. Sobra akong nag-alala kaya dahil dun hindi ko nakita ang daan at nahulog ako dulot na rin ng malakas na buhos ng ulan" Dahil sa sinabi niya parang lumambot ang puso ko.

"Ginawa mo yun para sa akin?"

"Ginawa ko yun dahil ayoko kitang mawala...... Lalo na't nangako ako kay Quen na aalagaan kita hangga't magkasama tayo lalo na ngayon" Gusto ko sanang ngumiti pero pinigilan ko iyon.

"Uhh, salamat DJ sa concern mo. Ito kumain ka na muna nagpaluto ako kay Mang Kanor ng lugaw para mainitan yang sikmura mo" Tinulungan ko naman siyang kumain dahil medyo nahihirapan pa siya. At napansin ko na pati sa braso niya may sugat at galos rin siya.

"Hay, pagkatapos mong kumain gagamutin natin yang mga sugat at galos mo at bukas na bukas dahil alam naman ni Mang Kanir ang direksyon dito magpapatulong tayo sa kanya" Tumango na lamang siya sa akin.

Pagkatapos ko siyang pakainin ginamot ko na yung mga sugat at galos niya. At bawat dampi ko ng bulak na may alcohol napupuno ng sigaw ang bahay ni Mang Kanor dahil sa kanya.

"Aray! Aray! Dahan-dahan lang ano ba?! Aray!"

"Tiisin mo lang gagaling rin yan" Sabi ko naman sa kanya ng hindi tumitingin.

"Hindi ko nga alam kung gagaling pa eh. Sa tingin mo kaya ko siyang pagalingin? At sa tingin mo magiging maayos ulit?" Napahinto naman ako sa pagdampi ng bulak sa sugat niya at napatingin sa kanya.

"Siguro pero hindi pa sa ngayon masyado pa kasing sariwa tong sugat mo" Ipinagpatuloy ko na ang pag-gagamot sa sugat niya at alam ko kung ano ang tinutukoy niya sa sinabi niya.

KINABUKASAN

Bumalik na kami at pumunta na sa Hotel sobra silang nag-alala sa akin at syempre hindi maiwasan na hindi mag-alala si Kath para kay DJ. Niyakap niya ito ng makita niya.

Pero may bumabagabag sa akin alam kong sinadya ni Kath na maling oras ang sabihin kay Quen para malate ako at maiwan.

Kaya naman nang mag-break kami sa taping nilapitan ko siya at kinausap.

"Sinasadya mo yun noh?"

"Ang alin?"

"Na maling oras ang ibigay para malate ako"

"Ahh yun ba? Ikaw naman kasi masyadong kang nagpapaniwala kaya ayan naiiwan ka"

"So sinadya mo nga? Akala ko ba okay na? Yun pala nagpapakitang-tao ka lang diyan. Mas masahol ka pa sa plastik Kath"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now