Chapter 39:❤️Teleserye Royals Concert P1

899 23 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Enrique Gil Point of View-

After ng ilang araw na inilagi namin sa Bhutan umuwi na rin kami. Si Kath alam kong nagalit siya sa mga sinabi ko kaya medyo naguiguilty rin ako. Oo nga ginagawa niya yun for DJ, para sa kanilang dalawa pero kailangan bang masaktan si Julia? Hindi naman diba?

Nandito na kami sa Airport at hinihintay na lang ang Van na pipick-up sa amin. Kami ni Kath naka-upo lang dito pati sina Direk at ibang Staff.

"Kath" Tawag ko naman kay Kath. Tumingin lang siya sa akin. "Sorry nga pala sa mga sinabi ko sa iyo alam kong nasaktan ka pero mali pa rin yung inisip mo na plano na paghiwalayin sina DJ at Julia kaya sorry"

"Okay lang wag mo ng intindihin yun"

Maya-maya pa dumating na yung Van kaya sumakay na kami dun. Binaba kami sa may ABS CBN Building at umuwi na rin kami ni Kath sina Direk kasi dun nila sa Building aayusin yung mga scenes na tinake namin dun.

Excited na akong makita si Julia tsaka ibibigay ko rin kasi sa kanya itong Key Chain, di bale sa ASAP ko lang sa kanya ibibigay toh dahil bukas ay Sunday.

~~~

ASAP

Kinabukasan habang nagpapraktis ako dito sa stage kasama ang mga back-up dancers nakita ko si Julia na dumating na kaya naman..........

"Guys, break muna tayo" Tumango naman silang lahat. Bago ako pumunta kay Julia pumunta muna ako sa Dressing Room dahil dun ko nilagay yung key chain na dalawa sa loob ng paper bag na maliit.

Pagdating ko dun nakita ko na magkatabi sila ni DJ. Nawala yung ngiti sa labi ko at tinago ko sa likod ko yung key chain. Napatungo ako at babalik sana sa may dressing room ng pagtalikod ko nakita ko si Kath.

"Oh Quen bakit? May problema ka ba?" Tanong naman niya sa akin.

"Wala akong problema. Oh ito sa iyo na lang ito" Binigay ko naman sa kanya yung paper bag na maliit at bumalik na sa may stage. "Tara praktis na tayo ulit" Bumalik na silang lahat dito at nagsayaw na ulit kami. Nakatingin lang ako kina Julia at DJ na nagtatawanan. Imbis maging masaya ako for them hindi ko maiwasan ang magselos pero okay na rin yun atleast masaya ang mahal ko.

-Kathryn Bernardo Point of View-

May binigay na paper bag sa akin si Quen tapos bumalik na siya dun sa may stage. Kakadating ko lang kasi tapos nung pagtalikod niya nagkakitaan kami tapos mukha siyang may problema napatingin naman ako sa dalawang tao na naka-upo sa may gilid, sina Julia at DJ kaya naman pala. Siguro ibibigay niya toh kay Julia kaso nakita niya na sweet ang dalawa kaya sa akin niya na lang ibinigay ito kahit na hindi naman talaga para sa akin.

Binuksan ko iyon at dalawang key chain pala siguro pasalubong niya toh para kay Julia. Lumapit ako kina DJ at Julia.

"Julia! Pinabibigay nga pala ni Quen" Inabot ko naman kay Julia yung paper bag na maliit.

"Nandyan ka na pala Kath" Sabi naman ni DJ.

"Oo kadadating ko lang. Key Chain yan Julia dalawa binili ni Quen para sa iyo kasi sobra ka daw niya na-miss nahiya lang siya na ibigay sa iyo. Ayun siya sa stage oh nagpapraktis" Napatingin naman siya kay Quen na sumasayaw sa Stage. Tapos hinawakan niya yung dalawang Key Chain.

"Salamat Kath" Sabi naman ni Julia. Naupo naman ako sa tabi ni Julia.

"Alam mo Julia nung nandun kami ni Quen wala siyang ibang binaggit kundi pangalan mo. Kwento siya ng kwento tungkol sa inyong dalawa like nung mga nangyari sa may Way Back Home, Shout-Out Days at kung anu-ano pa kaya nga rinding-rindi ako. Natutulog pa nga ako nun nung ginising niya ako na samahan daw siya sa Souvenir Shop para bilihan ka niyang dalawang Key Chain, sobra nga kaming nag-enoy dun eh." Naamoy ko nanaman ang pagseselos ni DJ.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now