Chapter 36:❤️Star Magic Ball

914 25 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

Pagka-uwi ko sa bahay agad akong kumain at hindi na naghugas ng kamay. Grabe ito ang first time na magutom ako sa kakahintay sa isang tao. Nagulat pa nga si Patrick dahil nagbabasa siya ng libro ng bigla akong kumuha ng plato,kutsara at tinidor na nasa mesa at agad na naglagay ng pagkain pagkasubo ko.....Woooo! Grabe ang sarap!

"Uhm.....Ate hinay-hinay lang kasi baka mabilaukan ka. San ka ba nanggaling?"

"Ahh ano nag-jogging ako" Napatingin naman siya sa Wall-Clock namin dito sa kusina.

"Seryoso ka ate? 10:25 ng gabi jogging? Tapos pagdating kakain ka? Yung totoo ate.....Adik ka ba?"

"Hayaan mo na nga. Pakikuha mo naman ako ng tubig oh bumabara na sa lalamunan ko eh. Bilis!" Tumayo naman siya at kinuhanan ako ng tubig.

"Hay ang sarap. Nakakapagod pala maghintay" Sabi ko naman.

"Maghintay?" Nakalimutan kong nasa harapan ko nga pala si Patrick.

"Kasi ano hinihintay ko yung sunrise eh napagod na ako kaya umuwi na ako"

"Ewan ko sa iyo ate adik ka talaga. Cge na matulog ka na" Tapos umakyat na siya dala-dala yung libro niya.

Tinignan ko ang cellphone ko kung nag-text ba sa akin si DJ kaso wala naman. Hanggang ngayon ba hindi pa rin tapos ang Dinner niya kasama si Kath at yung Tito na sinasabi niya? Matagal ko na ring hindi nakaka-usap si Kathryn at kung magkikita man kami like sa ASAP hindi naman niya ako pinapansin ewan ko ba kung bakit, galit kaya siya sa akin?

Bigla namang nag-vibrate phone ko. Text message galing kay DJ.

From: DJ/Love

Lumabas ka ng bahay niyo ngayon at magdidinner-date tayong dalawa. :-)

Dinner Date? Nang ganitong oras? Adik rin yata itong si DJ eh may mga bukas pa ba na karinderya ngayon?

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si DJ na may dala-dalang dalawang plastic at sa tingin ko pagkain iyon dahil amoy na amoy.

"Sorry ha? Napasarap kasi ang kwentuhan nina Tita Min at ni Tito Romnick kaya hindi kami kaagad naka-alis ni Kath tapos si Kath naman niyaya ako na magice-cream kaya hindi ako nakatanggi dahil baka magalit siya sa akin"

"Tinatanong ko ba?"

"Hindi pero baka kasi galit ka sa akin"

"Hindi ako galit sa iyo. Pero anong ginagawa mo dito tsaka ano yan?" Sabi ko sabay nguso sa mga dala-dala niya.

"Ahh ito? Kwek-kwek, siopao tsaka RC. Tara Dinner Date tayo?"

"Nag-Dinner na ako eh"

"Edi mag-Dinner ka ulit. Tara dito na lang tayo sa labas. Mas masarap dito"

May upuan naman kami sa labas kaya dun na lang kami naupo at nagsimulang kumain.

Natapos ang gabi naming dalawa ng masaya at nakakakilig, paano ba naman kasi hinihiritan ako ni DJ ng mga chessy na Pick Up Lines kahit na corny nakakakilig pa rin. Siguro natapos na kami ng mga 12:00 dahil sa pagkwekwentuhan naming dalawa. Tapos umalis na rin siya at pumasok na ako sa loob.

~~~

Star Magic Ball: September 1, 2012

Excited na ako ngayong araw na toh and the same time kinakabahan kahit na ilang beses na akong nakakapunta dito sa event na toh. Balita ko magkakaroon din daw ng mga award ang mga artistang nag stand out ngayong gabi na toh kaya pala lahat ng mga artista na naririto ngayon mga eleganteng tignan at talaga namang kumikinang na parang mga bituin.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now