Chapter 18:❤️Basketball Practice

1.1K 31 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Araw-araw pumupunta dito si Kath sa amin para makipag-laro sa mga kapatid ko at unti-unti kong nakikita na nagugustuhan na nila si Kath kahit ang sabi nila si Julia pa rin ang mas gusto nila. Minsan nga inaabot pa si Kath dito ng madaling araw paano ba naman kasi gustong maglaro ng mga kapatid ko 24/7 eh.

Kagaya kagabi 12:00 na ako nakatulog dahil hinatid ko pa si Kath natraffic pa ako pauwi. Mga kapatid ko talaga minsan sakit sa ulo.

(8:40 AM)

Bigla namang tumunog ang alarm ko na panira sa magandang tulog ko.

"Mhmmm.... Mamaya na...." Sabi ko habang nakapikit pa rin.

"Sabi ng mamaya ka na tumunog eh" Nilagay ko naman yung unan sa may tenga ko para di ko marinig kaso ang ingay pa rin.

"SABI NG MAMAYA NA EH!" Binato ko yung alarm clock sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nun si mama buti na lang sa may paanan lang niya bumagsak at hindi sa mukha kundi sapul siya at lagot ako.

"DJ! Ba't mo binato ang alarm clock mo? Tignan mo oh nabasag hindi mo ba alam na babasagin yan?"

"Babasagin nga eh edi malamang mababasag yan" Pabulong ko naman na sabi.

"May sinasabi ka?"

"Wala ma sabi ko ang ingay ang sarap pa ng tulog ko tapos ang aga akong ginigising kaya binato ko"

"Bumangon ka na kasi diyan at diba may pictorial ka ngayon sa BUM EQUIPMENT COMPANY? Dahil isa ka sa napili nilang gagawin nilang Model?"

"Oo nga pala pero mga 9 pa naman yun eh" Sabi ko medyo napapapikit pa ako.

"Eh anong oras na ba?"

"Ewan ko"

"8:40 na po mister malalate na kayo"

"HA!?" Mabilis akong pumunta sa may banyo at naligo. Malalate na pala ako.

"Naku! Yan ang napapala ng mga puyat!" Sigaw naman ni mama at narinig kong lumabas na sa kwarto ko. Naku! Bilis DJ hindi ka pwedeng malate lagot ka sa manager mo pag nalaman niya.

Pagbaba ko sumubo agad ako at di ko namalayan na sumubo ako sa plato ni Lelay.

"Kuya! That's my food!"

"And your the reason why I'm late" Sabi ko habang kumakain ng mabilis sa plato niya.

"Cge ma! Alis na ako bye!" Tapos lumabas na ako at nagbiyahe papunta sa pictorial ko. Si mama kasi ayaw pa akong bilihan ng kotse pangbabae kasi tong kotse na ginagamit ko.

Naku talaga! 8:50 na! Sabi kasi bawal malate dahil on time ang photographer.... Ayan na! Malapit na ako! Ayan na tumatakbo na ako sa may itaas...ayan na.....

"Ay!" Bigla naman akong may nakabangga na babae.

"Sorry!" Pagtingin ko teka si Bea Binene toh ah.

"Bea Binene?"

"Daniel Padilla?"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong naman niya.

"May photoshoot kasi ako sa BUM EQUIPMENT"

"Talaga? Ako rin tara sabay na tayo" Ang liit naman ng boses niya parang dwende.

"Oh the two of you are here! Sabay kayong pumunta dito?"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now