Chapter 37:❤️Getting Stronger Relationship

910 22 1
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Enrique Gil Point of View-

Pagkatapos kong sabihin iyon kay Julia binuhat ko siya ng Bridal Style at ipinasok na sa may bahay nila. I think hindi pa nila ito nilolock dahil wala pa siya.

"Kuya Quen?" Gising pa pala si Patrick at nagbabasa ng libro. Buti na lang. Lumapit naman siya sa akin at tinignan si Julia. "Anong nangyari kay Ate?"

"Ano nalasing kasi namali siya ng inom akala niya kasi juice pero alak pala. Pakituro naman kung saan yung kwarto niya ng maihiga ko na siya oh.

"Cge dito sa itaas" Nauna na siyang umakyat at sumunod na ako. Binuksan niya ang kwarto ni Julia at pumasok ako dun. Nilapag ko si Julia sa may kama niya.

"Kuya Quen salamat nga pala sa paghatid sa Ate ko ah"

"Wala yun. Uhm....pwede mo ba akong kuhanan ng tubig tsaka bimpo?" Tumango na lang siya at lumabas na.

Inayos ko ang pagkakahiga ni Julia. Bakas sa mukha niya ang lungkot imbis na magsaya siya sa Star Magic Ball kanina selos at inis ang naramdaman niya. Nagpapakatanga pa kasi siya kay DJ eh nandito naman ako na handa siyang ipagmalaki.

"Kuya Quen ito na ang bimpo at tubig" Kinuha ko naman iyon.

"Salamat. Cge ako na muna ang magbabantay sa ate mo tapos pagkatapos nito aalis na rin ako"

"Cge Kuya Quen salamat ulit" Naiwan kaming dalawa dito sa kwarto.

Binasa ko yung bimpo at pinunas sa mukha ni Julia para naman mapreskuhan siya mainit rin kasi. Habang dinadampian ko ng basang bimpo ang mukha niya bigla niya itong hinawakan kahit na nakapikit siya.

"Mahal na mahal kita"

Alam kong hindi para sa akin yun kaya hindi ako nag-assume dahil alam kong kay DJ iyon at napagkamalan niya ako na ako si DJ. Napangiti na lang ako ng malungkot. Nahuhirapan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan.

Naalala ko naman yung sinabi ni Kath nung pinapunta niya ako sa Restaurant about sa Plan daw na gagawin niya para mapaghiwalay sina DJ at Julia.

(Quen tulungan mo naman ako sa planong gagawin ko)

(Anong naman yun?)

(Gagawa tayo ng paraan para magkagalit sina Julia at DJ. Nang sa ganun hindi na sila magkakaroon ng communication at hindi na sila magkikita)

(Are you out of your mind Kath!? Bakit ko naman gagawin yun ha!?)

(Para hindi sila magkaroon ng issue Quen. Tignan mo isang issue lang yan paano kung magkaroon pa ng sumunod diba? Pihadong maaapektuhan ang Loveteam namin ni DJ)

Nang maisip ko yun parang may kalahati sa akin na gusto kong gawin yun ng hindi na masaktan si Julia sa mga nakikita, naririnig at nasasaksihan niya kina Kath and DJ. Pero kung gagawin ko naman yun.....

(Diba mahal mo si Julia?)

(Ano naman ang connection ng pagmamahal ko kay Julia diyan sa plano mo?)

(Kung gagawa tayo ng paraan para magkagalit sina Julia at DJ. Magkakaroon ka na ng chance kay Julia. Oh diba ang saya nun)

(Siguro nga magiging masaya ako pero si Julia? Sa tingin mo magiging masaya kaya siya kapag nagkagalit sila ni DJ sa ano mang plano mo na yan? Hindi. Palibhasa kasi Kath sarili mo lang ang iniisip mo. Yang career na pinapahalagahan mo balang araw mawawala rin yan, hindi ka habang buhay na sikat)

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now