Chapter 42:❤️Lasagna

862 20 6
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Kathryn Bernardo Point of View-

Nandito ako sa may kwarto ko habang nanonood ng Movie ng may tumawag sa akin. Si Quen.

Ako: Hello?

Quen: Pumapayag na ako sa gusto mo.

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ibig sabihin pumapayag na siya sa plano ko?

Ako: Talaga?

Quen: You heard me.

Ako: Cge. Kailan natin sisimulan toh?

Quen: Sa ngayon pumapayag pa lang ako pero sa pagplano tsaka na muna. Marami pa akong dapat gawin specially you.

Ako: Cge. Salamat naman at pumayag ka sa gusto ko.

Quen: I'm doing this for Julia kasi alam ko na aabot sa punto na kailangang mamili ni DJ sa Career at Love niya para kay Julia and I know Selfish ako. Cge na the Day after tomorrow pupunta ako diyan sa may bahay ninyo para magplano.

(Call Ended)

Napangiti naman ako. Kasi binabalak ko na wag ng ituloy toh pero ngayon, si Quen pumapayag na siguro talagang nakatadhana kami ni DJ para sa isa't-isa kaya ganun.

Nakalimutan kong itanong kay Quen kung saan sila galing ni Julia ngayon kasi may nag-download ng pictures nila ni Julia galing sa Enchanted Kingdom so nag-date pala sila? Alam ba toh ni DJ?

Kinuha ko naman ang phone ko at tinext siya.

To: DJ

Nagpunta pala sina Julia and Quen sa Enchanted Kingdom?

Pihadong mabasa niya pa lang ang pangalan na Quen magagalit na siya. Hay ako si Mara Del Valle na mabait pero nagiging si Clara David ako.

-Daniel Padilla Point of View-

"Hahahahaha! I-backward mo nga ang scene na yun JC! Hahaha! Dali!"

"Oo na kuya! Hahaha!"

Nandito kami sa may Living Room at nanonood ng Movie na Comedy. Si mama wala nasa trabaho kaya kaming apat lang dito. Sina Lelay at Maggie naman naglalaro sa kwarto ni Lelay.

"Hahahahahaha! Balik mo ulit! Hahaha!"

"Paulit-ulit lang kuya? Wag na! Hindi natin matatapos toh eh!"

"Last na promise! Hahaha!"

Nakita ko naman na bumaba si Maggie hawak-hawak ang phone ko at tumakbo papunta sa akin.

"Kuya! You have 1 message" Kinuha ko naman sa kanya yun.

"Thanks! Cge na balik ka na kay Lelay" Tumakbo na siya papunta dun at tinignan kung sino ang nag-text si Kath pala.

From: Kath

Nagpunta pala sina Julia and Quen sa Enchanted Kingdom?

Nagsalubong ang mga kilay ko ng mabasa ko yun. Nagpunta sila dun? Bakit? Nag-date sila?

To: Kath

Ngayon? Paano mo naman nalaman?

"Hahahaha! Oh ayan na kuya! Hindi ka naman tumatawa eh! Hahahah!"

"Paano naman ako tatawa kung nalaman ko na pumunta sina Quen at Julia sa Enchanted Kingdom?"

"Ha? Nagpunta sila dun?"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now