Chapter 62:❤️I Still Love You

497 17 1
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Enrique Gil Point of View-

Napatingin ako sa relo ko at 1:10 pa lang buti na lang at hindi pa ako lumagoas sa tinakdang oras na sinabi ko kay Julia. Dali-dali akong umakyat sa Condo kasi alam kong na dun siya.

Monthsary kasi namin ngayon at napag-usapan namin na mag cecelebrate kami nun sa Batangas bali three Days kami dun parang pahinga na rin tutal wala naman siyang Taping this week.

Pagka-akyat ko nakabukas ang pinto ng Condo, mukhang nakalimutan yata ni Julia na isara. Pumasok ako sa kwarto pero bukod tanging nakita ko lang ay ang maleta ni Julia nasa labas yung mga gamit niya. Nasaan na siya?

May narinig ako na mga ungol kaya naman pumunta ako sa banyo. Nanlaki mga mata ko sa nakita ko. Sina DJ at Julia nakahiga sa tiles ng banyo at nakadagan si DJ kay Julia.

"DJ? Julia?" Nasabi naman ng bibig ko.

"Quen?!" Sabi naman ni Julia. Tumayo naman si DJ at tinulungan si Julia na makatayo.

"Quen, wag kang mag-iisip ng kung ano ah? Kasi ganito yun narinig ko si Julia na sumigaw then nakita ko siya na nakahiga na dito tutulungan ko sana siya kaso nadulas ako at saktong nadagan ako sa kanya kaya don't think some greeny things or something ah?" Paliwanag naman ni DJ.

"It's okay. Ayos lang ba kayo?" Tanong ko naman sa kanila at nagkatinginan silang dalawa.

"Oo" Sagot naman ni DJ.

"Oo nga pala ipagpapatuloy ko na yung pag-aayos sa mga gamit ko. Uhh DJ, pwede ka ng umuwi sa inyo nandito na rin naman si Quen eh. Salamat sa paghatid sa akin dito"

"Wala yun. Sige Quen una na ako" Lumabas na si DJ dito sa banyo at isinara niya na ang pinto ng dorm.

Nang makapag-ayos na si Julia bumaba na kami dala-dala ang mga bag namin at nag-drive na ako papuntang Batangas. Hindi ko alam sa sarili ko pero parang ayaw magsalita ng bibig ko ng makita ko sila Julia at DJ na ganun.

"Bakit nga pala nalate ka ng ilang minuto?" Tanong naman sa akin ni Julia.

"Na-traffic lalo na sa may EDSA. Buti na lang pala at hinatid ka ni DJ dito atleast may kasama ka"

"Oo" Simpleng sagot naman niya.

"So nakapag-decide ka na ba?" Napatingin naman siya sa akin habang nagmamaneho ako.

"Na ano?"

"About forgiving him. Do you decide already?"

"Actually, Yes. Kaso hindi pa ako nakakahanap ng right time. Pero this past few days nagiging okay na kaming dalawa. Alam mo yun parang dati lang sa Gimik Days namin pero......" Natigilan naman siya bigla.

"Pero ano?"

"Uhh wala. Basta yun medyo okay na kami bumabalik na kami sa dati kaya wala ng ilangan na nagaganap" Mabuti naman at ganun.

"You two look sweet together"

"Pano mo naman nasabi?"

"As you've said, this past few days diba parang bumabalik na kayo sa dati? Nakita ko sa Twitter yung photo niyong dalawa inupload ni Katsumi sa Account niya na nakahiga ang ulo mo sa balikat niya and then nung nagtataping kayo sa serye niyo yung binuhat ka niya ng Bridal Style"

"Kaya pala" Napabulong naman siya sa sarili niya.

"Kaya pala?"

"Kaya pala nagtatawanan sila nung nagising ako kinukuhanan pala nila kaming dalawa ni DJ ng picture. Sira talaga ang tatlong yun"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now