Chapter 30:❤️Bothered

940 23 3
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Kathryn Bernardo Point of View-

Habang pinapanood ko ngayon ang trailer ng The Reunion na kung saan kasama si Julia at Quen sobra akong kinikilig dito.

"Huy Kath! Para kang timang! Ba't ngumingiti ka diyan!?" Sabi naman ni DJ. Ang harsh talaga nitong magsalita.

"Wala nakakakilig kasi toh eh"

"Anong nakakakilig? Patingin nga!" Inagaw naman niya sa akin ang phone ko. Pustahan tayo magseselos yan.

"Oo nga nakakakilig......PARA SA IYO.... Pero sa akin sus! Hindi naman nakakakilig porket kinasal lang sila dun sa dulo"

"Kinasal sila sa dulo?"

"Oo napanood ko na yan sa internet. Biruin mo yun pinalabas lang ng ilang araw meron na sa internet. Buti nga wala silang kissing scene dahil kung meron susugurin ko yung direktor"

"So kinasal pala sila sa dulo. DJ samahan mo ako sa cinema panoorin natin please?"

"Ikaw na lang napanood ko na yan eh tsaka naaalibadbaran ako sa mukha ni Quen"

"Huy! Marinig ka ni Quen nasa labas lang siya oh"

After ng movie shoot nina Quen balik taping na siya ulit dito sa set ng PAI. Balita ko may another movie pa siya kasama si Julia.

"Gusto mo ba talagang mapanood yan?" Bigla namang tanong ni DJ. Sasamahan niya kaya ako?

"Oo kasasabi ko lang diba?"

"Sabi ko nga. Cge mamaya after ng taping manonood tayo"

"Talaga!? Yes!"

"Teka nga fan ka ba ng JulQuen ha?" Napakunot-noo naman siya.

"Oo bakit?"

"Dapat hindi mo sinusuportahan yun dapat kami ni Julia sinusuportahan mo. JulNiel Loveteam"

"Teka JulNiel Loveteam? Alam mo ba may nag-follow sa akin sa twitter na JulNiel Loveteam? Tignan mo yung mga pictures dun mamaya grabe sobrang nakakakilig DJ lalo na yung mga memes niyong dalawa at yung mga edited pictures parang totoo"

"Cge mamaya titignan ko"

~~~

"Grabe DJ nakakakilig!" Hinahataw ko sa si DJ ng bag ko sa may braso niya. Paano kasi hahalikan ni Quen si Julia kaso pinigil siya sayang pero nakakakilig pa rin.

"Nakakakilig ba yan?"

"Ang KJ mo palibhasa kasi nagseselos ka"

"Manood ka na nga lang pero pwede ba wag mo akong hampasin namamaga na kaya braso ko"

"Paano kasi patpatin braso mo kaya mabilis masaktan di kagaya nung kay Quen, may MUSCLES!" At diniinan ko ang salitang muscles.

"Bakit kapag ba may muscles makakain mo? Hindi naman ah! Atleast kahit itong akin ay patpatin......"

"Oh ano?"

"Basta patpatin, manood ka na nga iwan kita dito eh"

Napalingon naman ako sa may kaliwa. May nakita ako na isang lalaki na may hawak na camera, paparazzi kaya toh? Mukhang gagawa yata siya ng news about sa amin ni DJ kaya kikilos na ako.

"DJ gusto mo ng hotdog sandwich?"

"Bakit bibigay mo sa akin?"

"Aalukin ba kita kung hindi? Tsaka syempre kumagat ka lang papatikim ko lang sa iyo"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now