Chapter 25:❤️Fight

1K 26 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Sabi nga pala ni Julia sa akin may lakad daw sila ni Quen ngayon. Nasabi na kaya niya na binabawi niya na yung chance niya kay Quen? Ano kayang nangyari? Matawagan nga.

Calling Julia......

Julia: Hello DJ?

Ako: Oh Julia anong nangyari sa lakad ninyo ni Quen?

Julia: Ahh...ano....DJ nasabi ko na kaya lang ano...

Ako: Ano?

Julia: Hindi daw siya titigil sa panliligaw kasi daw mahal niya raw ako.

Ako: ANO!? SO GANUN YUNG SAGOT NIYA!?

Julia: DJ ano ba ang OA mo namang mag-react. Ang sakit sa tenga ng sigaw mo.

Ako: Sorry pero kung hindi siya titigil sa panliligaw sa iyo pakikipagpaligsahan ako sa kanya kahit alam kong ako ang mananalo.

"DJ! Nasaan ka na?" Narinig ko naman yung sigaw ni Direk. Oo nga pala last take na para ngayong araw.

Ako: Cge Julia bye na muna magtatake pa kami. Bye, love you!

(Call Ended)

~~~

The next day pagkapunta ko sa may set ng PAI nakita ko si Quen nakaupo sa foldable chair habang may ginagawa sa phone niya nung makita niya ako ewan ko pero parang inirapan niya ako at pinindot ng madiin ang phone niya. Problema nito?

"DJ nandiyan ka na pala. Bilisan mo isuot mo na yung damit ni Gino tapos pakitawag na lang si Quen ha kasi magbibihis pa ako. Cge!" Wrong timing ka naman Kath mukha ngang galit sa akin si Quen tapos ako pa patatawagin mo.

"Ahh Quen nakabihis ka na ba ng damit ni Jao?" Tanong ko naman sa kanya.

"Oo ito ang damit ni Jao diba?" Oo nga sabi ko nga. Malay ko ba.

"Ahh cge kapag tapos na akong magbihis tayo na para mag take"

Ano bang problema ng isang toh mukhang may sumpong siya ngayon. Bahala nga siya sa buhay niya baka Red Days niya ngayong araw.

Habang nagtatake kami ng scene sana lumuwa ang mga mata ni Quen, bakit? Paano ba naman kasi may scene kami tapos habang kunwari nag-uusap kami yung mga mata niya parang may galit sa akin kulang na lang matunaw ako.

"CUT!" Sigaw naman ni Direk.

"Quen, ayusin mo naman yung contact mo kay DJ!"

"Sorry po direk" Sabi naman niya.

"O cge 10 minutes break muna tayo"

Tumabi muna ako kay Kath na kumakain at kinausap muna siya.

"May napapansin ka ba kay Quen?"

"Huh? Uhmmm..wala bakit?"

"Kasi kanina pagdating ko parang galit siya sa akin yung parang alam mo na basta hindi ko maexplain"

"Kausapin mo kaya o baka naman feeling mo lang yun"

"Hindi kasi habang nagtatake nga kami ngayon kakaiba ang tingin niya parang galit siya sa akin"

Napatingin ako kay Quen na umiinom ng tubig sa may lamesa. Malapitan nga at makausap.

"Quen!" Tawag ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at tuloy lang siya sa pag-inom.

"Huy Quen, mag-usap nga tayo may problema ka ba sa akin?"

"Ako? May problema sa iyo? Baka ikaw? Ikaw nga ang malaking problema ko eh"

"Ano? Pwede paki-explain mo ng maayos?" Naguguluhan ako sa lalaking ito.

"Diba ikaw yung dahilan kung bakit binabawi ni Julia ang chance ko sa kanya? Diba sinabi mo sa kanya na bawiin yun? Tama ako diba?" Teka paano niya nalaman yun? Kaya ba parang galit siya sa akin?

"See, hindi ka makasagot kasi totoo! So ikaw pala yung isa pang nagkakagusto sa kanya? Alam mo DJ ako ang nauna sa kanya kaya ako lang ang dapat niyang mahalin"

"Nagkakamali ka ako ang nauna sa iyo Quen. Yung pagtatapat mo sa kanya ako dapat ang mauuna kaso nagkataong parehas tayo ng gagawin. Mas nauna ako sa iyo Quen. 2010 nagtapat ako sa kanya inulit ko lang ngayon kasi akala ko nalimutan na niya yung pangako namin sa isa't-isa, o ano ngayon sabihin mo sa akin sino nauna ako diba?"

"DJ! Quen! Ano ba tama na nga yan!" Inawat naman kami ni Kath. Habang kami ni Quen nagpapatayan ng sama ng tingin sa isa't-isa.

"Hindi niyo ba alam ang lakas-lakas ng boses ninyo! Ano bang problema?"

"Kausapin mo yang si DJ ha Kath! Sabihin mo sa kanya layuan niya si Julia. Sa tingin mo DJ kung kayo ni Julia ay magkakatuluyan sa tingin mo magiging masaya kayo? Hindi dahil maraming mga mata ang nakatingin sa inyo. May madikit lang sa iyo inaaway na ng mga fans ninyo. Kaya kapag naging kayo ni Kath walang magiging problema dahil maiintindihan ng mga tao dahil magkaloveteam kayo" Pagkatapos niyang sabihin yun umalis na siya.

"DJ ano bang problema ninyo ni Quen? Anong kay Julia?"

"Wala yun Kath" Naupo muna ako at pinakalma ang sarili ko dahil bwiset na bwiset ako kay Quen ngayon. Anong akala niya mamahalin siya ni Julia pag naging sila? At anong hindi magiging masaya kapag naging kami ni Julia? Pake ko sa mga fans? Kaya ko siyang ipagtanggol.

-Kathryn Bernardo Point of View-

Ewan ko kung anong nangyayari kina DJ at Quen mukhang pinag-aawayan yata nila si Julia. So si Julia nanaman? Tama si Quen kung magiging sila DJ at Julia hindi sila magiging masaya dahil sa tamabalan namin ni DJ. Ang lakas ng hatak namin sa takilya at may madikit lang sa amin o maintriga binabatikos nila agad kaya di maipagkakaila na kapag lumabas ang balitang sina Julia at DJ na lagot si Julia sa mga fans. Maiintriga pa siya sa TV.

Calling Julia.....

Ako: Hello Julia

Julia: Kath! Napatawag ka..bakit?

Ako: Sina DJ at Quen nagkasagutan kanina

Julia: Ha? Nagkasagutan bakit?

Ako: Dahil sa iyo. Pinag-aagawan ka nila. Inawat ko nga sila baka kasi mamaya niyan magsuntukan na sila.

Julia: Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang sabi ko kasi kay Quen binabawi ko na yung chance niya sa akin kaso ang sabi niya hindi daw siya titigil sa panliligaw sa akin.

Ako: Ikaw naman kasi ba't mo binigyan ng chance si Quen kung alam mo sa sarili mo na mahal mo pa si DJ?

Julia: Inakala ko kasi na ikaw na ang mahal ni DJ kaya binigyan ko ng chance si Quen para malimutan ko na si DJ.

Ako: Hay nako Julia sana maayos mo yan baka kasi mamaya kasuklaman nila ang isa't-isa. Cge pinaalam ko lang ito sa iyo para mapag-usapan ninyo ni DJ.

Julia: Salamat Kath. Bye

(Call Ended)

-Julia Montes Point of View-

Tumawag sa akin si Kath sabi niya nagkasagutan daw sina DJ at Quen dahil sa akin. Ano bang nakita sa akin ni Quen? Bakit hindi si Kath ang nagustuhan niya? Mahal nila akong parehas pero hindi ko naman sila pwedeng mahalin pareho dahil isa lang ang puso ko.

At si DJ ang minamahal ko. Masakit mang isipin pero sana maintindihan ako ni Quen. Kaibigan lang ang turing ko sa kanya at wala ng hihigit pa duon.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now