Chapter 5: ❤️KathNiel and JulQuen

1.5K 37 2
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"KATHRYN BERNARDO!"

"DANIEL PADILLA!"

"KATHNIEL!"

"WE LOVE YOU KATHNIEL!"

Samu't-saring sigawan ng fans namin ni Kath ang halos rinig sa isa sa mga kwarto ng ABS. Gaganapin kasi ang Grand Interview sa aming dalawa ni Kathryn. Actually dapat kasama yung ibang cast pero napagdesisyunan nung management na sa ibang araw na lang yung iba at kami muna tutal mas patok daw kaming dalawa ni Kath sa takilya kesa sa KathLil at

KathQuen. Ows?

"Goodmorning sa inyong lahat! Sa mga Fans na naririto ngayon especially sa mga KathNiel Fans na talaga namang nagpagawa pa ng Banner para sa inyong dalawa" Sabi naman nung baklang lalaki na tagapagsalita.

Nakaupo kami ngayon ni Kath dito sa may harapan at nakaupo sa harapan namin ang mga

fans namin at syempre mawawala ba ang mga reporters?

"Okay so let's start.......(Nag-pose muna ang tagapagsalita at tumingin sa akin na parang naninindak at sa huli ngumiti rin na parang nagbibiro lang) DJ...."

"Ano para sa iyo si Kathryn Chandria Manuel Bernardo?" Talagang full name binanggit eh noh?

"Isang babaeng hinahangaan ko ng sobra dahil sa kanyang kagandahan at kabaitan" Para sa trabaho toh kaya ko yoh sinabi. Nakita ko naman na napangiti si Kathryn. Syempre kailangan niya ring magpanggap na ganyan para kiligin ang fans diba?

"Padilyang-Padilya sumagot talaga si Daniel syempre kanino pa ba magmamana diba? So Kathryn narinig mo na isa ka daw na babaeng maganda at mabait na tao para sa kanya anong masasabi mo duon?"

"Uhm....ano...thank you sa puri and ganun ka rin sa akin. Oo naman gwapo rin siya at mabait katulad ng ibang mga artist na nakakatrabaho ko" Tilian naman ang mga fans namin at sabay-sabay na nagfaflash ang mga camera.

"Ano ba yan nasa first question pa lang tayo parang mahihimatay na ako sa kilig at tsaka tignan niyo oh yung mga fans niyo namumula na sa sobrang kilig. Okay lahat ng mga KathNiel fans na naririto INHALE.....(Nag-inhale naman ang lahat) EXHALE (at sabay-sabay ulit silang nag exhale) Ayan medyo nawala sa mga dibdib natin ang mga kilig kasi nailabas na natin para sa mga susunod na tanong na sobrang nakakakilig may ipapasok pa tayo diba! Para hindi puno. So next question....... "

"Nagtanong-tanong kami sa ilang mga Staff kung ano ang sitwasyon ninyong dalawa kapag off-cam maraming nagsasabi na sobrang sweet daw kayo at parang may sarili daw kayong mundo? Totoo ba yun o gawa-gawa lang?"

"Totoo po yun" Ako na ang sumagot.

"Alam naman namin na totoo yun DJ ito nga proweba oh" Bigla namang may lumabas na picture sa may projector. Picture na kung saan nakaupo si Kath at magkahawak kamay kami habang nakatalikod ako. Syempre tilian nanaman ang mga fans.

"Oh ano kayong dalawa speechless?"

"Inamin naman namin na totoo eh" Sagot ko naman.

"Oo nga pero hindi niyo sinabi na naghoholding-hands pala kayo kapag sweet kayong dalawa. Naku! Kayong dalawa ha aminin niyo na kasi na kayo na please?" Nag-puppy eyes pa yung nagiinterview sa amin kaya naman tawanan kaming lahat.

"Aaminin lang naming dalawa kapag ON na talaga kami" Diniinan ko naman yung salitang ON.

"Mga ilang years pa ba yan?" Tanong niya na parang nababagot.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now