Chapter 49:❤️Is Everything Will Be Okay?

655 24 3
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

~After Three Months~

Nagkita kami ni DJ sa isang tagong lugar na lung saan kami lang ang nakaka-alam. Nadiscover niya ang lugar na toh last week kaya naman pinapunta niya agad ako dito. Tama siya talagang tago at walang katao-tao kaya pihadong masosolo namin ang isa't-isa.

"Julia! Pasensiya na kung natagalan ako ah? Kanina ka pa ba dito?" Nakita ko naman siya kaya natuwa ako. Sana pwede rin kaming magkita na walang ganito na nagtatago sa publiko.

"Hindi naman sakto lang. Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?" Tanong ko naman sa kanya at umupo siya sa tabi ko.

"Kaya kita pinapunta dito dahil gusto kong makita mo ang Secret Place nating dalawa. Dito tayo magkikita kapag gusto nating masolo ang isa't-isa kung hindi man tayo busy sa trabaho natin"

Kapag hindi kami busy sa trabaho namin sa Showbiz palagi kaming nagkikita sa Secret Place namin na iyon. Naisip ko nga ano kaya kung sagutin ko na si DJ? Tutal ang pagkakaroon ng dalawang tao ng Mutual Understanding o M.U. In short eh parang kayo na dahil nagkakaintindihan na kayo.

"Talaga?! Tayo na?! Hindi ba't sabi mo magiging official na tayo kapag debut mo na?!" Natawa ako sa reaksiyon ni DJ nung araw na yun dahil hindi mapakali na natutuwa ang ewan yung mukha niya.

"Oo nga sinasagot na kita! Tsaka isa pa next month debut ko na bakit ko pa patatagalin diba? Teka nga lang ayaw mo bang maging tayo kaya nagtatanong ka pa kung tayo na talaga?!" Nagsungit pa ako sa kanya nang kunwari.

"Syempre gusto. Hindi ko lang inaasahan na official na tayong dalawa. Julia, pangako pasasayahin kita nang mas lalo hanggang sa huling hininga mo"

"Grabe ka 17 years old pa lang ako huling hininga agad? Gusto mo na ba akong mamatay ha?"

"Hindi naman sa ganun. Alam mo balang araw magpapakasal tayo sa simbahan na malaki para engrande. Tapos magkakaroon tayo ng 100 na mga anak"

"Ano?! 100 sigurado ka?! Baka patay na ako sa dami ng mga sanggol na lumabas sa sinapupunan ko!"

"Biro lang. Ikaw naman hindi mabiro pero kung gusto mo 100 na mga anak edi sipagin nating gumawa" Piningot ko ang tenga niya ng sinabi niya yun.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at hinalikan sa pisngi ko.

"Mahal na mahal kita Julia" Nang sabihin niya iyon alam mong hindi siya nagsisinungaling dahil ramdam ko ang pagmamahal niya.

"Mahal na mahal din kita DJ" Niyakap ko naman siya pabalik.

-Enrique Gil Point of View-

So meron palang Secret Place sina Julia at DJ? Marami na kaming ginawang plano at paraan ni Kath para mapaghiwalay sila pero ayan sila masaya at nagyayakapan sa piling ng isa't-isa. Pumayag man ako sa plano ni Kath wala rin namang use dahil alam kong matatatag na tao sina Julia at DJ para malagpasan ang mga problema nila.

I Give Up. Give Up na ako sa plano para mapaghiwalay sila. Kung si Julia talaga ang babae para sa akin gagawa ang tadhana ng paraan para maging kami.

Umalis na ako sa Secret Place na yun at pumunta muna sa Park para makapagisip-isip. Tinawagan ko rin si Kath para sabihin na itigil na yung ginagawa niya dahil wala rin namang magagawa iyon. Nung una ayaw niyang pumayag pero sa huli pumayag rin siya ngunit sinabi niya na gagawin niya na lang yun by herself.

Subukan niya kung gusto niya dahil pihadong hindi rin naman niya mapaghihiwalay ang dalawang yun.

"Titigil na ako sa pagmamahal ko sa iyo Julia" Dumating ang araw na nagkaroon ng chance para maka-usap ko si Julia. At una ko agad sinabi sa kanya na titigil na ako, titigil na ako sa pagmamahal ko sa kanya.

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now