Chapter 43:❤️The Truth

826 27 5
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

"Check yes Juliet are you with me rain is falling down on the sidewalk I won't go until you come outside" Kanta naman ni JC ang Lead Vocalist namin.

Si Kath niyayaya sana akong lumabas kaso dahil sa may gig kami at kailangang mag-praktis tinanggihan ko siya. Babawi na lang ako sa kanya next time pag hindi na ako busy. Tsaka next week pa kami ulit magtataping sa Princess and I.

"Ayos! May 5,000 nanaman ako" Pinaypay pa ni Lesther sa mukha niya yung pera habang si Seth inaamoy pa na parang pagkain. Akala mo first time lang nilang makakahawak ng ganong pera.

"Mukhang wala ka sa mood DJ ah. Problema ka?" Tanong naman ni Katsumi. Si Katsumi magaling yang mangamoy di tulad nina Seth at Lesther.

"Sina Julia at Quen pumunta sa Enchanted Kingdom-" Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ko ng magsalita si Lesther.

"Kaya nagseselos ka nanaman?"

"Syempre makita niyo na may kasamang iba ang babaeng mahal niyo na may gusto rin sa kanya syempre magseselos ka diba. Buti pa si Kath niyayaya akong lumabas at nilutuan pa ako ng paborito ko" Girlfriend Material si Kath pero hindi ko siya mahal. Mahal ko siya bilang kaibigan lang.

"Oo nga naman. Oo, nakita ko yung picture nilang dalawa sa may Twitter ang daming ngang Retweet at Favorite eh at isa na ako dun" Sabi naman ni Seth. Ganun?

"Oo, ang sweet nga nila dun eh grabe" Komento pa ni Lesther.

"Parang mukhang sila kesa sa inyo DJ" Dagdag pa ni Katsumi. Akala ko maiintindihan niya ganun din pala siya tulad nina Seth at Lesther. Si JC tahimik lang dahil alam niya yung sitwasyon ko.

"Tara na kuya umuwi na tayo at sabi ni mama nandun daw si papa ngayon sa may bahay natin" Napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Talaga?! Hindi ko alam yan ah!" Wala naman kasing sinabi si mama sa akin. Surprise siguro nila ito para sa akin.

"Surprise yun ni mama sa iyo kaya halika na umuwi na tayo. Bahala na kayong tatlo diyan ah. Gastusin niyo ng maayos yang limamg libo ninyo. Cge!" Inakbayan naman ako ni JC pagkalabas namin sa may Club.

Ilang buwan ko ng hindi nakikita si papa kaya excited na ulit akong makita at mahalikan siya. Kay papa sanay na sanay akong yakapin at halikan siya pero pagdating kay mama medyo ilag ako kasi kinakantyawan ako ng mga tao na Mama's Boy sa astig looks ko.

"DJ, JC nandyan na pala kayo. Kain na" Pagkadating namin sa bahay nandun na sila mama at papa pati sina Lelay at Maggie sa may Dining Area. Si mama naman ayos na ayos if I know may nararamdaman pa rin yan kay papa kaso hiwalay na kasi sila kaya sayang.

"Musta ma?" Niyakap at hinalikan ko naman si papa sa may pisngi ganun din si JC.

"Buti pa ang papa ninyo ginaganyan ninyo samantalang ako na mama ninyo hindi" Nagtampo naman kunwari si mama. Kaya ang ginawa namin ni JC niyakap at kiniss din nakin siya.

"Ikaw naman ma masyado kang matampuhin" Sabi naman ni JC at naupo na kami.

"Ganyan talaga kapag tumatanda na" Biro naman ni papa sabay smirk kay mama. Inirapan lang siya ni mama at kumain na kami.

"Kamusta na ang buhay artista ng anak ko?" Tanong naman ni papa.

"Okay naman pa. Masaya naman kasi nakaka-earn ako ng pera para sa atin at sa future ko"

A Life In Star World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon