Chapter 2: ❤️Old Friends

2.1K 36 1
                                    

A Life in Star World

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Julia Montes Point of View-

KRINGGGGGG!

Habang nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko bigla namang nag-ring ang phone ko, may tumatawag. Kinuha ko ito at ang tumatawag ay si Arie. Siya yung naging ka-close nung Gimik Days pa lang.

Ako: Hello?

Arie: Hi Mara! Ay Julia ka na pala. Kamusta ka na pala?

Ako: Ito okay lang naman ikaw? Kamusta na? Nasaan ka na ngayon?

Arie: Actually were heading to your house kami ni Vangie.

Ako: Ni Vangie? Weh? Dapat nagsabi kayo kahapon para nakapag-prepare ako ng pagkain para sa inyo.

Arie: Don't worry may dala-dala naman kaming pizza at drinks para sa ating tatlo.

Ako: Ganun ba? Mabuti kung ganun cge text ka lang kapag nandyan na kayo sa labas ng bahay ko ha.

Arie: Cge...cge... Bye!

(Call Ended)

Bumaba na ako at inayos ang sarili ko syempre kahit sobrang close kami ng dalawang yun dapat maayos pa rin ang itsura ko sa harapan nila nakakahiya naman. Walang tao dito sa amin kundi ako lang kasi sina lola tsaka yung mga kapatid ko pumunta ng Mall nagpa-iwan lang ako dito dahil hindi naman ako pwedeng basta-basta lang lalabas.

Maya-maya pa nakatanggap ako ng text galing kay Vangie nandyan na daw sila sa labas. Kaya naman sinundo ko na sila.

"Hi Mara! Namiss kita!" Niyakap naman ako ni Vangie.

"Namiss rin kita! Namiss ko kayong dalawa!" Niyakap ko rin sila. Grabe 2 years pass ngayon na lang ulit kami nagkita-kita.

"Tara sa loob sakto wala sina lola" Pumasok na kami sa loob at pinaupo sila sa sofa. Binuksan ko naman ang TV para malibang sila.

"Grabe walang nagbago sa bahay ninyo ah ganun pa rin katulad nung huli kaming pumunta dito. By the way kamusta ka na?" Sabi naman ni Arie.

"Okay lang naman nagpapahinga lang ako ngayon naghihintay ng bagong project sa ABS"

"Uhm... May nababasa nga kami sa internet na rumors about sa Walang Hanggan na ikaw ang gaganap at makakatambal mo si Coco Martin"

"Coco Martin? Weh? Seryoso?" Nakakagulat naman. Ang taas-taas kaya ni Coco Martin sa industriya tapos makakatambal ko. Nakaka-proud yun.

"Oo pero di ako sure rumors lang naman yun pero minsan ang rumors nagkakatotoo rin"

"Siya nga pala Mara kamusta na kayo ni.........." Sabi naman ni Vangie pero putol ang dulo.

"Ni..........?"

"Ni ano ni DJ"

"DJ? Okay lang naman kaming dalawa. Nag-uusap kami minsan sa telepono kagaya kahapon tumawag siya sa akin"

"Uyyyyy! Naaalala mo pa ba yung nangyari 2 years ago?"

"Alin?"

"Yung nagtapat siya ng feelings niya para sa iyo na Mahal ka niya" Bigla namang nag FlashBack sa akin ang lahat. Syempre hindi yun mawawala sa isip ko isa yun sa naging memorable moments ko na nangyari sa buhay ko.

"Ahh yun ba oo naaalala ko yun syempre"

(KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA NAG-DADATE NA NGA BA?)

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now