Chapter 47:❤️Necklace Issue

654 21 3
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Daniel Padilla Point of View-

Reporter: So boto po kayo kay Miss Kathryn Bernardo para po sa anak ninyo?

"Syempre naman. Wala namang ina ang hindi gugustuhin ang isang Kathryn Bernardo para sa lalaki nilang anak dahil sa mabait at maalagang bata si Kathryn eh napaka-ganda pa kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan siya ng anak ko" Sagot naman ni mama sa mga reporter.

Nandito kasi kami sa ABS CBN Building para po sa photoshoot naming dalawa para sa magazine na ipupublish nila this month at kami ang headline nun. Kaya ito sinalubong kami ng ilang reporters na gumagala rito sa Building.

Reporter: Sige po maraming salamat po sa sagot ninyo.

At yun umalis na yung mga reporter na nag-interview kay mama tungkol sa amin ni Kathryn. Ilang linggo na ang lumipas at nanatiling okay ang relasyon namin ni Julia na pagiging M.U. na kung tutuusin eh parang mag-on na kami. Ilang buwan na lang ang hihintayin ko at magiging 18 years old na si Julia.

"Siya nga pala DJ hindi ko nakikita na suot-suot ni Kath yung kwintas" Bigla namang sabi ni mama habang naglalakad kami papalabas sa Building para umuwi na.

"Huh? Ah-eh...Baka naman nalilimutan niya lang na suotin kaya hindi mo nakikita" Palusot ko naman. Hindi alam ni mama na kay Julia ko yun ibinigay at kung malalaman ni mama na kay Julia ko ibinigay yun at hindi kay Kath ewan ko na lang kung ano ang gagawin ni mama.

"Siguro baka nalilimutan niya lang. Oh ano wala ka bang pupuntahan bago tayo umuwi?" Puntahan bago umuwi? Eh paano kung sinabi ko na kina Julia ko gusto pumunta....Papayag ka ba ma?

"Wala na umuwi na tayo para makapag-pahinga na tayo dahil maaga tayong nagising kanina" Sumakay na kami sa kotse at ako na ang nag-maneho.

-Kathryn Bernardo Point of View-

"Hello? Yes nandito na ako sa Dressing Room at 2:00 pa ang Photoshoot ko para sa MEG Magazine this Month kaya baka makakapunta ako diyan ng mga 4:00. Sige bye!" Nilagay ko na ang phone ko sa bag ko at naghintay dito sa Dressing Room.

1:15 pa lang at aayusan ako ng mga tao dito kapag 1:25 na kaya medyo magpapahinga na muna ako dahil hindi ako nakatulog kagabi dahil tinapos namin buong magdamag ang scenes ng Princess and I this episode.

Dahil wala akong magawa dito sa loob napagdesisyunan kong umakyat sa Terrace ng Building pero habang naglalakad ako nakasalubong ko si Julia na nag-tetext. Ngumiti naman ako ng makita ko siya pero siya hindi niya ako nakita dahil busy siya sa phone niya kaya naman sinadya ko siyang bungguin at dahil dun nabitawan niya ang phone niya at nagulat ng makita ako.

"Oops! Sorry, hindi ko sinasadya. Ikaw naman kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo" Nginitian ko naman siya na parang nagpapa-awa na nang-aasar. Kinuha naman niya ang naka-crack na phone niya at tinignan ako ng masama.

"Hindi mo ba talaga sinasadya yun ha?"

"Hindi kaya nga nagso-sorry ako diba? Kasi hindi ko sinasadya"

"Talaga? Akala ko kasi sinasadya mo. Kasi halata naman sa mukha mo na hindi ka sincere sa paghingi ng sorry. Ano bang problema mo Kath ha? Sa TV napaka-bait mo sa mata ng mga tao pero sa likod ng camera ganyan ka? Ano yan pakitang-tao lang ha?"

"Alam mo Julia mabait ako sa mga tao maliban lang sa taong karibal ko kay DJ. Kung hindi mo siya nilalandi mabait ako sa iyo at Best Friends pa rin tayo kaso nung sumingit ka nahadlangan yun"

A Life In Star World [COMPLETED]Where stories live. Discover now