Chapter 32:❤️Together

979 25 3
                                    

A LIFE IN STAR WORLD

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

-Enrique Gil Point of View-

Nagising ako ng maramdaman kong parang may gumalaw sa tabi ko. Pagmulat ko ng aking mga mata nakita ko si Julia na bumangon sa pagkakahiga niya.

"Julia okay ka na ba? Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ko naman sa kanya.

"Oo Quen ayos na ako di katulad kagabi" Nakita ko naman na may sugat siya sa binti niya.

"May sugat ka sa binti mo ngayon ko lang nakita. Akin na gamutin ko" Kinuha ko naman ang emergency kit na nasa tabi ko at kumuha ng bulak at betadine. Mas maganda kung betadine dahil wala kang mararamdaman na sakit.

"Quen paano nga pala ako nakabalik dito? Ibig kong sabihin sino nagligtas sa akin?"

"Ako yung nagligtas sa iyo Julia. Diba ako yung dahilan kaya ka nawala? Kasi pinabayaan kita kaya ako dapat ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon na ligtas. Julia pasensiya ka na kung pinabayaan kita na pumunta ka duon mag-isa. Muntik ka ng mapahamak for the second time dahil sa akin, una yung sa basketball court ngayon dito naman kaya sorry talaga"

"Wala yun Quen tsaka wag ka ng humingi ng sorry ligtas naman ako eh tsaka kung hindi ako nakaligtas at nahulog ako ng tuluyan dun kita mumultuhin" Nakuha pa niyang mag-biro.

"Alam mo ba kagabi inapoy ka din ng lagnat? Ang puti-puti mo kagabi para kang nawalan ng dugo buti na lang naagapan agad"

"Salamat Quen sa pag-alaga sa akin ha? Naku hindi dapat malaman toh ni DJ dahil kapag nagkataon lagot ako"

"Anong lagot ka? Baka ako kasi diba nangako ako sa kanya na hindi na kita liligawan pero aalagaan pa rin kita at babantayan kaso nabali yung pangako na yun"

"Oh kamusta ka na Julia?" Gising na pala si Enchong.

"Okay naman ako kuya Enchong salamat"

"O cge magpahinga ka muna maigi. CR lang ako" Tapos pumasok na siya sa loob ng CR.

"Ang galing naman niyang nilalagay mo sa sugat ko wala akong maramdaman na sakit"

"Kaya nga ito ang nilagay ko eh pero alam mo mas effective ang alcohol kasi sa una masakit pero habang tumatagal nawawala na rin ang sakit"

"QUEN!" Bigla namang may sumigaw. Teka si DJ? Anong ginagawa niya dito?

"DJ!" Nagulat din si Julia. Nakabiyahe siya dito na siya lang?

Lumapit si DJ sa akin at hinatak ako sa kwelyo ko at nanlilisik ang mga mata niya sa akin. Sina Direk naman at ibang staff nagising dahil sa kanya.

"Tarantado ka talaga ah noh? Sabi mo hindi mo pababayaan si Julia pero anong ginawa mo pinabayaan mo siya!"

"Teka lang paano mo nalaman yan?" Tanong ko naman sa kanya dahil hindi ko naman siya tinawagan o tinext.

"Wala ka na dun! Ang tanong ko sa iyo ngayon paano kung kay nangyaring masama kay Julia mababayaran mo ba ang buhay niya ha!?"

"DJ tama na yan" Inawat naman ni Julia si DJ dahil baka suntukin ako nito.

"Hindi Julia paano kung may nangyaring masama sa iyo dun ha? Paano na ako?"

"DJ ligtas nanaman na ako eh dun mo sisihin si Quen kung natuluyan ako. Please DJ wag ka namang gumawa ng eskandalo oh"

Napatingin sa akin si DJ at binitawan ako ng malakas. Niyakap naman niya si Julia. Yung ibang tao na naririto ngayon nakakunot noo. Kaming dalawa lang kasi ni Julia ang may alam ng totoo nilang relasyon ni DJ.

A Life In Star World [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon