CHAPTER 4 : Weh, di nga?

1.1K 35 3
                                    


"G-Girlfriend?!" Napalakas ata boses ko masyado. Napanganga talaga ko sa sinabi ni Phoebe sakin. Duh? Merielle, wala kang karapatang mag-react.


At saka medyo OA tayo for today's video ha.



So may girlfriend siya? Ano naman Merielle? 



Nakita ko kung paano nag-react si Phoebe sa paglakas ng boses ko.



OA na ata. Inayos ko yung sarili ko then bumawi ng poise. Baka mamaya iba isipin nito eh. Mahirap na. Siya ang una kong friend dito tapos iisipan niya kong malandi agad na mang-aagaw ng jowa?



Ay, ba't may agaw na word? 




"Akalain mo yun, nagka-girlfriend yun ng walang problema." Tapos sabay subo ng sandwich. Boom. Sana talaga gumana 'tong palusuters kong 'to. 



Nag-smile siya then napayuko. "Bakit naman parang nagulat ka sa sinabi kong may girlfriend siya?" Tanong niya.



Nahihiya akong mag-deny na hindi ako nagulat, so napangiti na lang ako. Wag mong sabihin na crush mo na agad si Kyle, kasi ang pathetic ng dating. 



"Ah, eh... wala lang naman. A-ano kase eh... parang wala naman sa itsura niya na may girlfriend siya." Pagsisinungaling ko.



Nag-smile siya then maya-maya tumawa na siya. Thank you po Lord dahil nakalusot ako.



"Haha... kung sa bagay.." Sagot niya. Pero nangingiti siya at hindi ko alam kung bakit.



__



Tapos na yung break kaya nag-fly away na ko papuntang room.



Hindi na sumabay sakin si Phoebe kasi may gagawin pa raw siyang mahalaga. Siguro sa SC office siya pumunta para magasikaso ng kung anu-ano. 



Pagkabalik ko ng room, sinalubong ako kaagad ng mga babaeng masama ang tingin sa akin nung nag-introduction ako kaninang umaga. Siguro kanina pa nila ako hinihintay na bumalik para resbakan.



Tinitignan nila ko nang masama.



Masyado bang angat yung beauty kong 'to para pagaksayahan nila ng time? Ayoko sanang ipakita kaagad ang palaban attitude ko dahil sabi ko kay Papa magpapakabait ako eh. 



Umatras rin naman sila pero hindi matanggal 'yung sama ng tingin nila sa akin. Hinayaan ko na lang. Hindi ako yung type of person na makikipag-jombagan na agad kapag nagkasamaan ng tingin.



Mabait po akong tao, bow. Inosente pa ako sa mga sorority/girl wars at kung anu-ano pa. Ayaw ko ring ma-label ng pagiging war freak. Pero ganun ako sa dati kong school. 



Pero iba na ngayon. 



Tahimik na bumalik na lang ako sa upuan ko. Nagbuklat-buklat ako ng mga libro. Pati yung notebooks ko napuno na ata ng vandal at doodles ko. Ang tagal ng klase. Potek. Pansin ko lang, ilang oras ba yung break? Ba't wala pang teacher? Bored na ko.



Tinignan ko yung mga classmates ko. Puro libro ang mga hawak nila, pero 'yung iba nag-iingay lang at nakikipagusap kahit may hawak na libro.



Maya-maya, dumating na si Phoebe at tinabihan na kaagad ako. "Are you bored?" Tanong niya.



"Ah, oo eh. Pansin ko lang ang tagal pala ng recess dito. Ano bang next subject natin?" Tanong ko.



"Tapos na lahat kanina diba? Ngayon Self-Study na tayo eh." Sagot niya, napansin niyang hindi ko gets 'yung sinabi niya. "Two hours tayong free to study, gawin ang seatworks na hindi natapos, do homeworks in advance, or tumambay."



Sosyalin, may ganun? Anong klaseng eskwelahan 'to? Ayoko na bumuklat ng libro kaya dinaldal ko na lang si Phoebe. "Uhh.. San ka nga pala galing?" Tanong ko.



"Ah, I went to the... to the SC office. Sumilip lang ako saglit sa meeting. Tsaka dinalhan ko ng pagkain si Kyle--"



Napahinto siya. Nagtaka ako. Si Kyle? Dinadalhan niya ng pagkain? Bongga.



"Bakit mo naman ginagawa yun? Pati ba yun trabaho ng Vice Presi----"



"Girlfriend niya ko ehh..." Sabi niya habang ngumingiti.



Hindi na ako naka-react kasi nga, wala akong karapatan. At wala akong karapatan. Saka isa pa, si Merielle Saavedra from Quezon Province ay walang karapatan.



Si Phoebe tsaka si Kyle? Bakit hindi ko nakita 'yun? For real na ba talaga?



Psh. Parang hindi naman eh! Pinagti-tripan lang ako nitong babae na to. "Weh? Di nga?"



___

FL01

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon