CHAPTER 61 : It Feels Like a Perfect Night

101 8 5
                                    

Note:

Listen to the music attached for the feels~ enjoy~

____


Christmas Ball - St. Mary High

 Mary High

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Inayos ko ulit 'yung suot ko bago ako bumaba sa sasakyan. Gaya ng nakagawian, nagkita-kita muna kaming magkakaibigan bago kami lahat pumunta sa school.



Nag-offer si Damian na sunduin niya ako at magsabay kami, kaya lang gusto kong kasama ang mga friends ko.



"We're so late!" Nananakbo si Allain at nauuna pumasok ng school gate. "Grabe ang traffic ah!" He's looking very nice sa suit siyang black.


"We're only 15 minutes late, relax lang." Nakangiti naman si Phoebe na sumunod kay Allain, she looks so stunning in a red long gown.


"Tara na, we still have to find a good place to sit." Nagmamadaling lakad ni Sara suot ang kanyang silver gown.



Napangisi ako habang naglalakad nang dahan-dahan. Hindi ako sanay sa mga magagarbong events na ganito, kaya talagang napapanganga pa rin ako sa hitsura ng mga kaibigan ko.



They all looked so expensive. I manage to blend in dahil pinahiram ulit ako ni Sara ng isa niyang gown. Suot ko ang light cream long gown ni Sara, tapos sabi niya sa akin na lang daw 'to. Hindi ako pumayag kaya naman iingatan ko 'to gamitin para masoli agad.



Papasok pa lang namin ng Main Hall, ang gagarbo na ng mga suot ng mga schoolmates ko. Para kaming nasa Hollywood.



Ang pinaka-nakakaexcite na part ay 'yong chandelier na umiilaw ilaw sa medyo dimmed na hall.


"Merielle, hurry!" Tawag sa akin ni Samuel at doon ko na lang napansin na may nagsasalita na sa stage.


Sumunod ako sa kanila at nakapwesto kami sa bandang likuran. Saktong pagkaupo namin, may teacher na nagsasalita sa harap para sa opening remarks nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa loob ng pouch.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now