CHAPTER 51 : A Day to Remember

87 7 2
                                    



"AYOKO!"



"Sige na, Merielle! You have to wear this and look good!" Pamimilit sa akin ni Sara habang may hawak siyang two-piece na red swimsuit na kapag sinuot mo makikita ang kaluluwa mo.



"Merielle, you have to show some skin! Minsan lang!" Dagdag pa ni Pheobe habang kini-corner nila ako. Kanina pa dapat kami nasa labas kasama sila Allain, Kyle, at Samuel na naliligo sa beach, kundi lang sa dalawang babae na ito.



Ganito lang sila ngayon dahil lang sa nakwento kong nandito rin si Damian sa Batangas. Well, nasa kabilang resort siya, napadpad lang din siya kagabi doon sa puno ng niyog dahil naghahanap din siya ng signal.



Ang hindi ko maintindihan, sa dinami-dami ng pwedeng pagbakasyunan, bakit dito pa?!



At bakit kailangan kong magpakita ng katawan at magpa-impress kay Damian?!



"Ayoko nga!" Kanina pa ako sigaw ng sigaw. "Maganda naman itong suot ko eh, saka papatayin ako ni Papa kapag nalaman niyang ganyan ang susuotin ko!" Panay ang layo ko sa swimsuit na pula na parang sumpa. Hindi talaga pwedeng magpa-sexy. Bawal pa. At saka, nakakahiya sa mga makakakita!



Hindi na lang sila nangulit at nagyaya na lumabas. Namamangha ako dito kina Sara at Phoebe na ang confident at comfortable na nilang magswimsuit ng ganyan na kita ang tyan.



Siguro kapag may trabaho na ako saka lang ako pwedeng mag-ganyan.



Pagkalabas namin ng kwarto deretso na agad kami sa beach kung nasaan naglalaro ng buhangin si Samuel at Allain. "You... look nice." Nahihiyang bati ni Samuel kay Sara, parang namumula pa itong si Samuel nang makita niya si Sara na naka-swimsuit.



"Thanks!" As always, may pagka-girly at baby pa rin itong si Sara. Ang cute-cute.



"Wow, Mama Phoebe in the house!" Sigaw ni Allain kay Phoebe sabay pito sa kanya. Paano ba naman kasi, napakaganda ng hubog ng katawan ni Phoebe. Napansin ko namang titig na titig si Kyle sa kanya.



Buti na lang naka full-body suit ako! Ligtas! Pero may pagkaiksi rin ang tabas ng swimsuit na ito, medyo kita ang pwet ko konti. Maliit na pala sa akin ito, halos 2 years ko na rin kasing gamit ito.



As if naman may gustong tumingin sa akin na naka two-piece diba?



"Picture tayo!" Allain set up the camera on his tripod tapos nag-posing kami ng maraming beses. Tapos nun, nag-umpisa na kaming mag-swimming.



Puro tawanan at lunuran ang ganap nung lumusong kami. Tawang-tawa kami kay Allain kasi ang lakas niyang mag-yaya ng swimming, hindi pala siya marunong lumangoy.



"Say no talaga ako sa pagsisid! Hindi ko forte 'yan!" Sabi niya nung sinusubukan siyang hilahin sa paa ni Samuel underwater.



Napalingon naman ako kay Phoebe at Kyle na parang nagsosolo. Hinayaan ko na lang, buhay nila 'yun. Nakakatuwa lang din na after ng break-up nila ni Gino, parang masaya na ulit ang kaibigan ko.



Pero kung kami at si Kyle magkakasundo ulit? Parang ewan ko kung posible.



Napapikit ako nung winisikan ako ni Sara ng tubig sa mukha. "Why don't we go on that one?" Sabi niya sabay turo sa banana boats sa di kalayuan.



"Tara, G!"



Ramdam ko ang gutom pagkaahon namin. Nag-stay pa kami sandali sa tabing-dagat para mag-moment at mag-selfie ulit. We take turns sa pagkukuha ng picture. Nung ako na 'yung magpo-posing, bigla na lang may lumipad na beach ball sa ere at sumalpok sa mukha ko.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now