CHAPTER 41 : So Gorgeous

84 6 3
                                    

St. Mary High / Class B


Pagkaalis ng second subject namin, kaagad akong tumayo sa upuan ko at nag-unat unat. Kasunod nun ang mahabang hikab ko. 


"Girl, mukha kang tinatawag ng kama ah." Puna sa akin ni Allain. Kagaya ko, nag-unat unat na lang din siya. 


Umisa pa ako ng hikab. "Ang tagal ng lunch time!" Sabi ko.


May isang student sa harap ang nag-shh sa akin at pinatahimik ako. "Sit down, Merielle, don't start this morning being stupid." Sunod naman non ay boses ni Damian sa tabi ko.


Padabog akong umupo. "Parang uunat lang eh." 


Since wala pa 'yung third subject namin, I decided to check my phone. Doon ko lang napansin ang text sa akin ni Phoebe nakakasend lang just now.


Text Message Received
From: Phoebe Dominguez
Merielle. Let's meet up quickly sa CR.
Emergency!


"Okay, good morning class." Bati sa amin ng aming TLE teacher. "I am sorry I'm late, I had to set up the kitchen lab for today's activity."


Lahat naman nag-react. "Ma'am may activity po tayo ngayon?"


"Ma'am, aren't we supposed to be informed beforehand about this?"


Lahat ng reklamo at tanong ng mga Karens at Marites  kong classmates ay natigil nang ibagsak ni Ma'am ang mga gamit niya nang padabog. "Allow me to explain first." Kaagad namang nagsitahimik ang lahat. 


Binilisan ko na lang ang reply kay Phoebe.


Hindi ako pwede, sungit si Maam today. Text na lang, ano meron?

"Your fourth subject teacher is absent today and he asked me to take his time instead. Kaya gagamitin ko ang oras niya at oras ko para sa makabuluhang cooking activitiy today. Got it?" Ayan na naman ang aming teacher kapag naiinis, lumalakas ang kamandag. 


"Okay, group yourselves into four. This group activity will be graded based on how delicious, presentable, and clean you will be making your dish." 


Nagkatinginan kami ni Allain. At the same time, mabilis kaming nagkayakapan para ma-secure na magka-grupo kami. "Guys, sali ako?" Tanong ni Sander sa amin. 


Hinila kaagad siya ni Allain. Lumingon ako to look for another groupmate nung bigla akong binulungan ni bakla. "Merielle, get Damian bilis! Magaling 'yang magluto since Grade 7 kami, baka makuha siya ng iba bilis!" 


Kaagad akong tumakbo sa kalmadong nakaupong si Damian na parang walang pakielam sa grouping activity.  Nakita kong papalapit si VP Mia sa kanya kaya tinakbo ko na. "Tara sa group namin, kulang kami isa!" Sigaw ko kay Damian.


Natawa na lang si VP Mia sa akin. "Oh, Merielle, I got here first so..." 


We both turned to look at Damian's bored and uninterested face. Tapos tinignan niya 'yung grupo ni Mia, at grupo ko. "Looks like you guys are already complete." Turo ni Damian sa grupo ni Mia, kaya napalingon kami.


"Looks like I'll be tagging with your group, then." Sabi naman niya sa akin.


"YES!" Masaya kong sigaw na siyang gumawa ng eksena sa classroom. 


Nag-check ako ng reply ni Phoebe habang naglalakad kami papuntang kitchen lab, pero hindi pa siya sumagot. Mabilis kaming pinapwesto sa tig-iisang kitchen table and counter bawat group.


Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now