CHAPTER 17 : MAPAIT

442 15 3
                                    


"What were you thinking?! Bakit mo tinaboy si Kyle?!" Kinailangan ko pang ilayo yung phone ko sa tenga ko dahil sobrang nakakarindi yung boses ni Phoebe.



"Yung totoo, Phoebe? Hindi mo alam bumulong? Ha? Hinaan mo naman yang boses mo." Sabi ko.



"Bakit mo sinabi yun sa kanya?! Akala ko ba gusto mo siya at gusto mo siyang mag-stay sa school?!"



"Kasi nga sira ulo na siya. Wala na yung pakialam sa atin sa school. Kasi kung meron naman, siya na mismo yung gagawa ng paraan para hindi umalis diba? Saka... nag-iba na siya. Hindi na siya yung Kyle na..."




"Oh. Bakit ka umiiyak na naman?" Sabi niya.



"Hindi ako umiiyak! Tama na yung kanina. Wala siyang kwenta."



"Alam mo, Merielle. Feeling ko nagkulang lang kayo sa pagkakaintindihan. I mean, maybe there's a reason why he's--"



"Nandun na ako. Kaya nga gusto ko siyang kausapin nun ng masinsinan. Pero siya yung laging tumutulak sakin palayo. Lalo na nung... nung sinabi ko ngang... ano... basta alam mo na." Ayokong ulit-ulitin sa kanya na umamin ako kay Kyle. Sapat na yung isang beses.



"Wala man lang ba siyang sinabi kahit ano?" Tanong ni Phoebe.



"He just heard me, but he didn't listen. Wala siyang sinabi na kahit ano. Kaya ako, syempre nasaktan, sinabihan ko siya ng ganun. Sinabi kong hindi siya kawalan."



"Tsk. Tsk. That stupid guy, and stupid you!" Sabi ni Phoebe. "Pero aminin mo, naging stupid ka din sa ginawa mong pagtaboy sa kanya. Because, knowing Kyle, hindi din siya pala-kwento ng buhay niya. Maybe... misunderstanding lang ang lahat."



"Phoebe. Siguro kung nandun ka kanina, malalaman mo kung ano lang yung tingin sakin ni Kyle. He doesn't care about me. He..." ayan na naman ang luha ko. Pero pilit ko pa ding hindi umiyak.



"He doesn't care about you? Yan naman ang hindi ko paniniwalaan. Kasi kung wala siyang pakialam sayo, edi sana wala siya dun kanina para magpaalam. If you don't matter to him, hindi siya maghihintay sa pagdaan mo."



"Phoebe naman eh! Wag ka nang magsalita ng mga ganyan! Bumabalik feelings ko eh! Tama na! Ayoko na!" Bakit ko ba kasi hinayaan na magkagusto ako doon sa taong 'yon?



"Tama na? Bakit may sinagot ba siya? Diba wala pa? Malay mo--"

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now