CHAPTER 48 : Senti Mode

88 7 10
                                    

Saavedra Residences



Pangalawang araw ng suspension ko, nagising akong kumakalabog na naman ang pinto ng kwarto ko. "Merielle, anak, pwede bang pagbuksan mo na kami ng pinto? Hindi ka pa kumakain simula kagabi!" Sigaw sa akin ni papa mula sa labas ng kwarto.



I grabbed the biggest pillow I had on the bed at tinakip ko iyon sa ulo ko para hindi ko na marinig ang mga susunod na tawag nila sakin. Why can't they notice na ayaw kong bumangon at lumabas?



"Anak, hindi pwedeng buong suspension mo nakakulong ka dito sa kwarto mo." Lalong bumigat ang mga katok ni Papa. Para na ngang tinatadyakan na niya eh. "Tumayo ka na dyan at kumain tayo bago ako pumasok."



Hinagis ko sa ere ang malaking unan na walang kwenta dahil naririnig ko pa rin naman sila. Napatingin ako sa orasan na nakalagay sa drawer ko. 10:00 am pa lang. Wala pang lunchtime sa school.



"Merielle, kahit sumagot ka lang oh! Nag-aalala kami sa'yo!"



"Mamaya na!" Sigaw ko nang malakas at natigil ang katok ni Papa. Sumunod na katok ay kay Tita na at mahinahon lang siya. "Samahan mo akong mamalengke, Merielle." 



Napatayo ako bigla. Wala na, hindi na ako makakapag-moment para ngayong araw. Kapag hindi ka mayaman, wala ka na ngang privacy para magmukmok, wala ka pang choice kundi mamalengke na lang habang depressed ka.



Tuluyan na akong tumayo at binuksan ang pinto ng kaunti. "Wala na ba si Papa?" Bulong ko.



"Nandyan pa. Kakatok ako mamaya pag-alis niya." 



"Okay po." Sabay sara ng pinto. Ayokong harapin si Papa dahil nahihiya ako sa kanya. Nung inamin ko kung bakit hindi ako pumasok kahapon, alam kong gusto niya akong pagalitan. Pero hindi. Inamin ko nang lahat lahat tungkol sa suspension at posibleng ma-expel ako, pero hindi pa rin niya ako pinagalitan.



Habang hinihintay kong kumatok si Tita, sinubukan kong hanapin kung nasaan ko na naihagis 'yung cellphone ko. Kagabi kasi, nung tinamaan ako ng kadramahan naibato ko phone ko somewhere at hindi ko na makita kung saan napadpad.



Nakailang ikot pa ako sa kwarto ko nang makita ko ang phone ko na nakasiksik sa gilid ng aparador at basket ng maruming damit. Great, Merielle.. 



Pagkabukas ko ay sari-saring pangalan ang mga naka-flash sa screen.



Sara Valiente - 7 missed calls

Phoebe Dominguez - 5 missed calls, 2 unread messages

Samuel Lim - 3 missed calls, 1 unread message

Allain - 10 unread messages



Lahat ng yan hindi ko mga kinibo simula nang ma-suspend ako sa school. Hindi rin ako nago-online kaya hindi ko alam kung anu-ano pang mga ginawa nila para i-reach ako.



Kahapon din nung bandang hapon ay bumisita sila Samuel pero nagtulug-tulugan ako. Doon ako nagumpisang magmukmok muna at hindi ko sila nilabas.



Kung maki-kick out lang rin naman ako sa eskwelahan na 'yon ano pang point ng lahat diba? Kung hindi ko na rin sila makakasama? What's the freaking point?



Katok ni tita ang nagpabalik sa akin sa realidad. "Okay na, bihis ka na ba?" Lumabas ako ng kwarto at lumingon-lingon. "Wala na ang papa mo pumasok na."



Hindi ako sumagot at bumaba na ako ng sala. Nandon sa mesa 'yung pinagkainan nila, ibig sabihin kakaalis lang ni Papa. "Hindi ka ba kakain muna?" Sinundan ako ni Tita pababa.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentWhere stories live. Discover now